Mga Salmo136

1Magpasalamat kayo sa Panginoon,dahil siyaʼy mabuti.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.2Magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.3Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.4Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.5Sa pamamagitan ng kanyang karunungan,ginawa niya ang kalangitan.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.6Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.7Ginawa niya ang araw at ang buwan.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.8Ginawa niya ang arawupang magbigay-liwanag kung araw.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.9Ginawa niya ang buwan at mga bituinupang magbigay-liwanag kung gabi.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.10Pinatay niya ang mga panganayna anak ng mga Ehipsiyo.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.11Inilabas niya ang mga taga-Israel sa Ehipto.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.12Inilabas niya sila sa pamamagitanng kanyang kapangyarihan.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.13Hinawi niya ang Dagat na Pula.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.14At pinatawid niyasa gitna nito ang mga taga-Israel.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.15Ngunit nilunod niya roon ang Faraonat ang kanyang mga kawal.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.16Pinatnubayan niya ang kanyangmga mamamayan sa ilang.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.17Nilipol niya ang makapangyarihang mga hari.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.18Pinatay niya ang mga dakilang hari.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.19Pinatay niya si Sihon na hari ng Amoreo.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.20Pinatay din niya si Haring Og ng Bashan.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.21Ibinigay niya ang kanilang lupainsa kanyang mga mamamayan bilang pamana.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.22At ang lupaing itoʼy naging pag-aaring mga mamamayan ng Israel na kanyang mga lingkod.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.23Sa ating abang kalagayan,hindi niya tayo kinalimutan.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.24Iniligtas niya tayo sa ating mga kaaway.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.25Binigyan niya ng pagkain ang lahat niyang nilalang.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.26Magpasalamat tayo sa Diyos na nasa langit.Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3