Mga Salmo135

1Purihin ang Panginoon!Purihin ninyo siya, kayong mga lingkod niya,2na naglilingkod sa bahay ng Panginoon,sa bakuran ng Templo ng ating Diyos.
3Purihin ninyo ang Panginoon,dahil siya ay mabuti.Umawit kayo ng mga papuri sa kanya,dahil ito ay kaaya-aya.4Purihin ninyo siya!Sapagkat pinili niya ang lahi ni Jacobna maging kanya,at ang mga mamamayan ng Israelna mga lahi ni Jacobna maging kanyang mahalagang ari-arian.
5Alam kong ang Panginoonay higit na dakila kaysasa alin mang diyos-diyosan.6Ginagawa ng Panginoonang anumang nais niyasa langit, sa lupa, sa dagatat sa kailaliman.7Dinadala niya paitaas ang mga ulapmula sa malalayong dako ng mundo,at ipinadala ang kidlatna may kasamang ulan.Inilabas din niya ang hangin mulasa kinalalagyan nito.
8Pinatay niya ang mga anak na panganayng mga Ehipsiyo;pati na ang mga panganayng kanilang mga hayop.9Gumawa rin siya dito ng mga himalaat mga kahanga-hangang bagayupang parusahan ang Faraonat ang lahat niyang mga lingkod.10Winasak niya ang maraming bansa,at pinatay ang kanilang makapangyarihang mga hari,11katulad nina Sihon na hari ng Amoreo,Haring Og ng Bashan,at ang lahat ng hari ng Canaan.12Kinuha niya ang kanilang mga lupainat ibinigay sa mga mamamayan niyang Israelitaupang maging kanilang pag-aari.
13Panginoon, ang inyong pangalanat katanyaganay hindi malilimutan sa lahat ng salinlahi.14Dahil patutunayan nʼyo, Panginoon,na ang inyong lingkoday walang kasalanan,at silaʼy inyong kahahabagan.
15Ang mga diyos ng ibang mga bansaay mga yari sa pilak at gintona gawa ng tao.16May mga bibig,ngunit hindi nakakapagsalita;may mga mata,ngunit hindi nakakakita.17May mga tainga,ngunit hindi nakakarinig,at hindi sila humihinga.18Ang mga gumawa ng diyos-diyosanat ang lahat ng nagtitiwala ritoay matutulad sa mga ito.
19Kayong mga mamamayan ng Israel,pati kayong mga angkan ni Aaronat ang iba pang mga angkan ni Levi,purihin ninyo ang Panginoon!Kayong mga may takot sa Panginoon,purihin ninyo siya!
21Purihin ninyo ang Panginoonna nasa Zion,ang lungsod ng Jerusalemna kanyang tahanan.Purihin ang Panginoon!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3