Jeremias9

1“Kung balon sana ng tubig ang aking ulo,at ang aking mga mata ay bukal ng luha,iiyak ako araw at gabipara sa mga kababayan kong pinaslang.2Kung mayroon lang sana akong matitirhan sa ilangupang makalayo akosa aking mga kababayan,sapagkat silang lahatay nagtaksil na katulad ngmga babaeng nangangalunya.”
3“Lagi silang handang magsinungalingna parang pana na handa nang itudla.Kasinungalingan ang namamayani sa lupaing itoat hindi ang katotohanan.Malala na ang paggawa nila ng kasalananat hindi nila ako kinikilala,”wika ng Panginoon.4“Mag-ingat kayo sa kapwa ninyoat huwag kayong magtiwala sa mga kamag-anak nʼyo,sapagkat ang bawat isa ay mandarayaat naninira ng kapwa.5Dinadaya ng bawat isa ang kapwa niyaat wala ni isa ang nagsasalita ng katotohanan.Sanay na sa pagsisinungalingang kanilang mga dilaat pinapagod nila ang sarili nilasa paggawa ng kasalanan.6Puro na lang pandaraya ang kanilang ginagawa,at dahil sa pandaraya ay ayaw na nila akong kilalanin,” sabi ng Panginoon.
7Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo:“Dadalisayin ko sila na parang metalat susubukin ko sila.Ano pa ang maaari kong gawin sa kanila?8Ang kanilang mga dilaay parang panang nakamamatay.Puro na lang pandarayaang kanilang sinasabi.Nakikipag-usap sila nang mabuti sa kapwa nilangunit sa puso nilaʼy masama ang binabalak nila.9Hindi baʼt nararapat ko silang parusahan?Hindi ba dapat na paghigantihan koang bansang katulad nito?”wika ng Panginoon.
10Sinabi ni Jeremias:Iiyak ako nang malakas para sa mga kabundukanat mananaghoy akopara sa mga pastulan.Dahil malungkot na ito at wala nang dumadaan.Hindi na marinig ang ungal ng mga baka,at nag-alisan na ang mga ibonat mga hayop.
11Dahil sinabi ng Panginoon,“Wawasakin ko ang Jerusalem,at magiging tirahan ito ng mga asong-gubat. Gagawin kong parang ilang ang mga bayan ng Judaupang wala nang manirahan doon.”
12Nagtanong ako sa Panginoon, “Sino pong marunong na tao ang makakaunawa sa mga pangyayaring ito? Kanino nʼyo po ipinaliwanag ang tungkol dito upang maipaliwanag ito sa mga tao? Bakit po nawasak ang lupaing ito at naging parang ilang na hindi na dinadaanan?”
13Sumagot ang Panginoon, “Nangyari ito dahil hindi nila sinunod ang mga utos na ibinigay ko sa kanila. Hindi sila sumunod sa akin o sa mga utos ko.14Sa halip, sinunod nila ang kapasyahan ng matigas nilang mga puso. Sumamba sila kay Baal, gaya ng itinuro sa kanila ng mga ninuno nila.”15Kaya sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Pakakainin ko ang mga taong ito ng mapait na pagkain at paiinumin ng tubig na may lason.16Ikakalat ko sila sa mga bansang hindi nila kilala maging ng mga ninuno nila. Magpapadala ako ng hukbong sasalakay sa kanila upang lubusan silang malipol.”
17Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo:“Isipin nʼyo kung ano ang mga nangyayari!Tawagin nʼyo ang mga babaeng tagaiyak,lalo na ang mga sanay sa pag-iyak.18Pagmadaliin silang pumuntaupang iyakan ang mga mamamayan kohanggang sa dumaloy ang kanilang luha. 19Pakinggan ang mga pag-iyaksa Jerusalem:  ‘Nawasak tayo!Nakakahiya ang nangyaring ito sa atin!Kailangang iwan na natin ang ating lupaindahil nawasak na ang ating mga tahanan!’ ”
20Ngayon, kayong mga babae, pakinggan ninyoang sinasabi ng Panginoon.Pakinggan ninyong mabutiang kanyang mga salita.Turuan ninyoang inyong mga anak na babaeat ang inyong kapwa na umiyak at managhoy.21Dumating ang kamatayansa ating mga sambahayanat sa matitibay na bahagi ng ating lungsod.Pinatay ang mga batang naglalarosa mga lansanganat ang mga kabataang lalakina nagkakatipon sa mga plasa.
22At sinabi ng Panginoon,“Kakalat ang mga bangkayna parang mga dumi sa kabukiran,at parang mga butil na naiwanng mga nag-aani,at wala nang kukuha sa mga ito.”
23Ito ang sinasabi ng Panginoon:“Hindi dapat ipagmalaking marunong ang karunungan niya,o ng malakas ang kalakasan niya,o ng mayaman ang kayamanan niya.24Kung gusto ng sinuman na magmalaki,dapat lang niyang ipagmalaki na kilala niya akoat nauunawaan niyang akoang Panginoong mapagmahal na gumagawang tama at matuwid dito sa mundo,dahil iyon ang kinalulugdan ko.Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
25“Darating ang araw,” sabi ng Panginoon, “na parurusahan ko ang lahat ng tinuli, na ang kanilang pamumuhay ay hindi nabago,26ang mga taga-Ehipto, Juda, Edom, Amon, Moab, at ang lahat ng nakatira sa malalayong ilang. Sapagkat ang lahat ng mga bansang ito ay hindi tuli at pati ang mga mamamayan ng Israel ay matitigas ang puso.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3