Jeremias10

Ang Diyos at ang mga Diyos-diyosan

1Mamamayan ng Israel, pakinggan nʼyo ang sinasabi ng Panginoon.2Ito ang sinasabi Panginoon:“Huwag ninyong tutularan ang pag-uugali ng mga taosa ibang mga bansana naghahanap ng mga tanda sa kalawakan.Huwag kayong matakot sa mga ganyang tandakahit na ang mga tao sa ibang bansaay takot sa mga tandang iyan.3Walang kabuluhan ang kaugalianng mga taong iyon.Pumuputol sila ng puno sa gubatat pinapaukitan nila sa mahuhusay na mang-uukit.4Pagkatapos, pinapalamutian nila ng pilak at ginto,at pinapakuan ng mabutiupang hindi matumba.5Ang mga diyos-diyosang itoʼyparang taong panakot ng ibon sa bukidna hindi nakakapagsalita.Kailangan pa itong buhatindahil hindi ito nakakalakad.Huwag kayong matakot sa mga diyos-diyosang itodahil hindi sila makakagawa ng masamaat hindi rin makakagawa ng mabuti.”
6O Panginoon, kayoʼy walang katulad.Kayo ay makapangyarihanat dakila ang pangalan.7Sino po ang hindi matatakot sa inyo,O Hari ng mga bansa?Karapat-dapat lang na kayo ay igalang.Sa lahat ng matatalinong hari ng mga bansa,at sa kanilang mga kaharian,walang sinuman ang katulad ninyo.
8Silang lahat ay mga mangmang at mga hangal.Ang katuruang mula sa mga diyos-diyosanggawa sa kahoy ay walang kabuluhan.9Ang pinanday na pilak na galing sa Tarsisat ang gintong galing sa Upazay ginawang diyos-diyosanng mga panday at mga platero,pagkatapos ay binihisanng damit na asul at kulay ube;lahat ay gawa ngmga dalubhasang manggagawa.10Ngunit ang Panginoon ang tunay na Diyos.Siya ang Diyos na buháyat walang hanggang Hari.Kapag siyaʼy nagagalit, nayayanig ang daigdig,at walang bansa na makatatagalsa tindi ng kanyang galit.
11Sabihin ninyo sa mga sumasamba sa ibang mga diyos, “Ang inyong mga diyos na hindi lumikha ng langit at lupa ay mawawala sa mundo.”12Ngunit ang Diyos ang lumikha ng lupasa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan,itoʼy kanyang itinatag sa kanyang karunungan,at kanyang inilatag ang kalangitan sa kanyang kaalaman.13Sa kanyang utos ay lumalabas ang mga ulapat mga kidlat sa kalawakan,at bumubuhos ang malakas na ulan.Pinapalabas niya ang hanginmula sa pinanggagalingan nito.
14Lahat ng tao ay mga mangmangat walang pang-unawa.Mapapahiya ang bawat plateronggumawa ng mga diyos-diyosan niya.Kalokohan lamang ang mga itodahil wala naman silang hininga.15Wala silang kabuluhan at dapat kamuhian.Ang araw ay darating na silang lahat ay wawasakin.16Ngunit ang Diyos ni Jacob ay hindi katulad ng mga iyon.Siya ang lumikha ng lahat ng bagaypati na ang Israel,ang lahi ng mga taong kanyang hinirang,Panginoon ng mga Hukboang kanyang pangalan.

Ang Kapahamakang Darating

17Mga taga-Jerusalem, tipunin na ninyoang mga kagamitan at lumisan,dahil malapit nang sakupin ang inyong lungsod.18Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon,“Makinig kayo!Paaalisin ko kayo sa lupaing ito.Pahihirapan ko kayohanggang sa madama ninyo ang aking galit.”
19Sinabi ng mga taga-Jerusalem,“Kahabag-habag tayodahil sa ating kapahamakan.Malubha ang kalagayan natin,pero kailangan natin itong tiisin.20Wasak na ang mga tolda natin;nalagot na ang mga tali nito.Iniwan na tayo ng mga anak natin.Wala nang natira na muling magtatayong mga toldang tinitirhan natin.”21Nangyari ito sa atindahil mangmang ang ating mga pinuno.Hindi sila lumapit sa Panginoonupang sumangguni.Kaya hindi sila nagtagumpay,at kumalat ang kanilang kawan.22Pakinggan ninyo ang malakas na ingayng mga sundalo na dumarating mula sa hilaga!Wawasakin nila ang mga bayan ng Judaat magiging tirahan na lang ito ng mga asong-gubat. 

Ang Panalangin ni Jeremias

23Panginoon, alam ko pongang buhay ng tao ay hindi kanya.Hindi siya ang may hawakng kanyang kinabukasan.24Ituwid po ninyo kami  Panginoon,nang nararapat sa amin.Huwag po ninyo itong gawinnang dahil sa inyong galit,baka wala nang matira sa amin.25Ipadama po ninyo ang inyong galitsa mga bansang hindi kumikilala sa inyoat sa mga taong hindi dumudulog sa inyo.Sapagkat inubos po nilaang lahi ni Jacobat winasak ang kanilang mga tahanan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3