Jeremias31
Ang Pagbabalik ng mga Israelita
1Sinabi pa ng Panginoon, “Sa araw na iyon, akoʼy magiging Diyos ng buong angkan ng Israel at magiging hinirang ko sila.”2Ito ang sinasabi ng Panginoon:“Aalagaan ko ang mga natirang buháysa kanila mula sa digmaanhabang silaʼy naglalakbay sa ilang.Magbabalik akoupang bigyan ng kapahingahan ang Israel.”3Noong una, ang Panginoon ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi:“Inibig ko kayo ng pag-ibig na walang hanggan.Sa aking kagandahang-loob,pinalapit ko kayo sa akin.4Muli ko kayong itatayo,kayong mga taga-Israel,na katulad ng isang birhen.Muli kayong sasayaw sa tuwasa saliw ng inyong tamburin.5Muli kayong magtatanim ng ubassa mga burol ng Samariaat pakikinabangan ninyoang mga bunga nito.6Darating ang araw na ang mga nagbabantay ng lungsoday sisigaw doon sa kabundukan ng Efraim,‘Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon na ating Diyos.’ ”7Ito ang sinabi ng Panginoon:“Sumigaw kayo sa tuwa para sa Israel, ang bansang pinakadakilasa lahat ng bansa.Magpuri kayo at sumigaw,‘O Panginoon, iligtas moang iyong mga mamamayan,ang mga natitirang buhaysa mga taga-Israel.’8Makinig kayo! Ako ang kukuha sa kanilaat titipunin ko sila mula sa hilagaat sa alinmang bahagi ng mundo.Pati ang mga bulag at mga lumpo ay kasama,ganoon din ang mga buntis at ang mga malapit nang manganak.Napakalaking grupo ang uuwi.9Mag-iiyakan sila sa tuwa at mananalangin habang dinadala ko sila pauwi.Dadalhin ko sila sa mga bukal,dadaan sila sa magandang daanat hindi sila matitisod.Sapagkat ako ang ama ng Israel;at si Efraim ang panganay kong anak.10“Mga bansa, pakinggan ninyoang mensahe ng Panginoon;at ibalita ninyo itosa malalayong lugar:‘Ikinalat ko ang mga taga-Israel,pero muli ko silang titipuninat aalagaan ko silakatulad ng pag-aalaga ng pastolsa kanyang kawan ng tupa.’11Sapagkat ililigtas ng Panginoonang mga lahi ni Jacobsa kamay ng mga taong higit na makapangyarihankaysa sa kanila.12Pupunta sila sa Bundok ng Zionat sisigaw dahil sa kagalakan.Magsasaya sila dahil sa mga pagpapala ng Panginoon sa kanila.Magiging sagana ang mga trigo, ang bagong alak,langis at mga hayop nila.Silaʼy matutulad sa halamanangpalaging dinidiliganat hindi na sila muling magdadalamhati.13Kung magkagayon, ang kanilang mga dalagaʼt binatapati ang matatanda ay sasayaw sa tuwa.Papalitan ko ng kagalakan ang pag-iiyakan nila.At sa halip na magdalamhati sila,bibigyan ko sila ng kaaliwan.14Bibigyan ko ng maraming handog ang mga pari.Bubusugin ko ng masaganang pagpapala ang aking mga mamamayan,” sabi ng Panginoon.15Sinabi pa ng Panginoon:“May narinig na tinig sa Rama,tumatangis at nananaghoy,iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak,at ayaw niyang magpaaliw,dahil silaʼy pumanaw na.”16Ngunit sinabi ng Panginoon:“Huwag ka nang umiyakdahil gagantimpalaan kitasa mga ginawa mo.Babalik ang mga anak mogaling sa lupain ng mga kaaway.17Kaya may pag-asa ka sa hinaharap,” sabi ng Panginoon.“Sapagkat talagang babalikang mga anak mo sa sarili nilang lupain.”18Narinig ko ang panaghoy ng mga taga-Efraim.Sinabi nila, “Panginoon, kami po ay parang mga guyana hindi pa sanay sa pamatok,pero tinuruan nʼyo po kaming sumunod sa inyo.Kayo ang Panginoon naming Diyos,kaya ibalik na po ninyo kamisa sarili naming lupain.19Lumayo kami sa inyo noon,pero nagsisisi na po kami ngayon.Nang malaman po namin na nagkasala kami,dinagukan po namin ang aming mga dibdibsa pagsisisi.Nahihiya po kami sa aming mga ginawanoong aming kabataan.”20Sumagot ang Panginoon,“Kayong mga mamamayan ng Efraimay aking minamahal na mga anak.Kahit palagi akong nagsasalita laban sa inyo,nalulugod pa rin ako sa inyo.Nananabik akoat nahahabag sa inyo.21“Maglagay kayo ng mga tandaat tulos na magiging gabaysa inyong daan.Tandaan ninyong mabuti ang inyong dinaanandahil diyan din kayo dadaanpagbalik ninyo sa inyong bayan, Israel.22Kailan pa kayo babalik sa akin,mga anak kong naliligaw?Gagawa ang Panginoon ng bagong bagay sa mundo,ang babae na ang magtatanggol sa lalaki.”Ang Darating na Kasaganaan ng Israel
23Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, “Kapag naibalik ko na sila mula sa pagkakabihag muling sasabihin ng mga taga-Juda, ‘Pagpalain nawa ng Panginoon ang banal na bundok ng Jerusalem, ang maunlad na lungsod na tinitirhan niya.’24Maninirahan ang mga tao sa Juda at sa mga bayan nito, pati na ang mga magbubukid at mga pastol ng mga kawan.25Sapagkat pagpapahingahin ko ang mga napapagod at bubusugin ko ang mga nanghihina dahil sa gutom.”26“Sa aking paggising naramdaman kong nakabuti sa akin ang aking pagtulog.27“Darating ang araw,” sabi ng Panginoon, “na pararamihin ko ang mga mamamayan ng Israel at Juda, pati ang mga hayop nila.28Noong una ay winasak, giniba, at ibinuwal ko sila pero sa bandang huli, muli ko silang ibabangon at itatayo,” sabi ng Panginoon.29“Sa panahong iyoʼy hindi na sasabihin ng mga tao,‘Kumain ng maasim na ubasang mga magulangat ang asim ay nalasahanng mga anak.’30Sa halip, kung sino ang kumain ng maasim na ubas, siya lang ang makakalasa ng asim nito. Ang taong nagkasala lang ang siyang mamamatay.”31Sinabi pa ng Panginoon, “Darating ang panahonna gagawa ako ng bagong kasunduansa mga taga-Israelat taga-Juda.32At hindi ito katulad ng unang kasunduanna ginawa ko sa kanilang mga ninunonoong pinatnubayan ko silasa paglabas sa Ehipto.Kahit na akoʼy parang asawa nila,hindi nila tinupad ang una naming kasunduan,”sabi ng Panginoon.33“Ito ang bagong kasunduanna gagawin ko sa mga mamamayanng Israel pagdatingng araw na iyon,”sabi ng Panginoon.“Itatanim ko sa kanilang isipanang aking kautusan,at isusulat ko ito sa mga puso nila.34Hindi na nila kailangan pang turuanang mga kababayan o kapatid nilana kilalanin ang Panginoon.Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaanat kakalimutan ko naang kanilang mga kasalanan,”sabi ng Panginoon.35Sinabi pa ng Panginoon,“Ako ang nag-utos sa arawupang magbigay-liwanag sa maghapon,at sa buwan at mga bituinna magbigay-liwanag sa magdamag.At ako ang kumakalawkaw ng dagathanggang sa umugong ang mga alon. Makapangyarihang Panginoonang aking pangalan.36Habang nananatili ang langitat ang mundo,mananatili rin ang bansang Israelmagpakailanman.”37Ito ang sinasabi ng Panginoon:“Kung paanong hindi masusukat ang langitat hindi malalaman ang pundasyon ng lupa,ganoon din naman, hindi ko maitatakwilang lahat ng angkan ng Israelkahit na marami silang nagawang kasalanan,”sabi ng Panginoon.38Patuloy na sinabi ng Panginoon, “Darating ang panahon na ang lungsod ng Jerusalem ay muling itatayo mula sa Tore ni Hananel hanggang sa Panulukang Pintuan.39Mula sa mga lugar na iyon, magpapatuloy ang hangganan patungo sa burol ng Gareb at saka liliko sa Goa.40Ang buong lambak na tinatapunan ng mga bangkay at mga basura ay nakatalaga sa Panginoon pati ang lahat ng bukirin sa Lambak ng Kidron hanggang sa pintuan na tinatawag na Kabayo sa silangan. Ang lungsod na itoʼy hindi na mawawasak o muling magigiba.”Biblica, Inc.