Jeremias30
Ang mga Pangako ng Panginoon sa Kanyang mga Mamamayan
1Ito ang mensaheng sinabi ng Panginoon kay Jeremias: “Ako, ang Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nagsasabing: ‘Isulat mo sa aklat ang lahat ng sinabi ko sa iyo.3Sapagkat darating ang araw,’ sabi ng Panginoon, na ibabalik kong muli ang mga mamamayan kong taga-Israel at taga-Juda mula sa pagkabihag. Ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila na magiging pag-aari nila.”4Ito pa ang sinabi ng Panginoon tungkol sa Israel at Juda.5“Ito ang sinasabi ng Panginoon:‘Maririnig ang hiyawan ng mga taohindi dahil sa tuwakundi sa matinding takot.6May itatanong ako sa inyo.Maaari bang manganak ang lalaki?Bakit nakikita ko ang mga lalaking namumutlaat hawak-hawak ang tiyanna parang babaeng manganganak na?7Lubhang nakakatakot kapag dumating naang araw na iyon,at wala itong katulad.Panahon iyon ng paghihirap ng mga lahi ni Jacob,pero maliligtas silasa bandang hulisa kalagayang iyon.8“ ‘Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo,ay nagsasabing sa panahong iyon,hindi na sila aalipininng mga taga-ibang bansa.Babaliin ko na ang pamatoksa kanilang mga leegat tatanggalin ko naang kanilang mga kadena.9Silaʼy maglilingkod sa akin,ang Panginoon nilang Diyos,at hihirang ako ng kanilang harimula sa angkan ni David.10“ ‘Kaya huwag kang matatakot Jacobna aking lingkod,o manlulupaypay man,kayong lahi ni Israel,’sabi ng Panginoon.‘Sapagkat tutulungan ko kayoat aalisin mula diyan sa malayong lugarkung saan kayo binihag.Sa pagbabalik ninyo, mamumuhay na kayonang payapa,tahimik, at walang kinatatakutan.11Akoʼy kasama ninyo at ililigtas ko kayo,’sabi ng Panginoon.Lubusan kong wawasakinang mga bansakung saan ikinalat ko kayopero hindi ko ito gagawin sa inyo.Ngunit hindi rin ito nangangahuluganghindi ko kayo parurusahan.Didisiplinahin ko kayo nang nararapat.”12Sinabi pa ng Panginoon:“Talagang malubha na ang inyong mga sugatat hindi na ito gagaling.13Wala nang makakatulongo makakagamot sa inyo.Wala nang lunas para sa inyo.14Nakalimutan na kayong mga kakampi ninyong bansa,ang mga nagmahal sa inyo dati;hindi na nila kayo pinapansin.Sinalakay ko kayo gaya ng pagsalakay ng kaaway.Matindi ang parusa ko sa inyodahil malaki at marami ang inyong kasalanan.15Huwag kayong dadaingna hindi na gumagalingang sugat ninyo.Pinarusahan ko kayo dahil napakatindiat napakarami ng inyong kasalanan.16“Ngunit ipapahamak ko rinang lahat ng magpapahamak sa inyo,at ang lahat ng inyong kaawayay bibihagin.Sasalakayin din ang lahatng sumalakay sa inyoat sumamsam ng mga ari-arian ninyo,at sasamsamin din ang mga ari-arian nila.17Ngunit gagamutinat pagagalingin ko ang inyong mga sugatkahit na sinasabi ng iba na kayong mga taga-Jerusalemay itinakwil at pinabayaan,” sabi ng Panginoon.18Sinabi pa ng Panginoon:“Muli kong ibabalik ang kayamananng mga lungsod ng lahi ni Jacobat kahahabagan ko sila.Ang lungsod at ang palasyo na winasakay muling itatayosa nararapat na lugar nito.19Pagkatapos, aawit sila ng pasasalamatat sisigaw sa kagalakan.Pararamihin at pararangalan ko sila.20Magiging maunlad ang kanilang mga anakkatulad noong una.Patatatagin ko sila sa harap ko,at paparusahan ko ang sinumangmang-aapi sa kanila.21Ang mga pinuno nilaʼymagmumula rin sa kanila.Palalapitin ko siya sa akin,at siya naman ay lalapit.Sapagkat walang sinumang taong mangangahasna lumapit sa akinkung hindi ko siya palalapitin,”sabi ng Panginoon.22“Kaya magiging mamamayan ko silaat akoʼy magiging Diyos nila.23Makinig kayo!Ang galit ng Panginoonay parang bagyoo ipu-ipong hahampassa ulo ng masasamang tao.24Hindi mawawala ang matindingpoot ng Panginoonhanggaʼt hindi niya nagagawaang kanyang balak gawin.At sa mga huling araw,mauunawaan ninyo ito.”Biblica, Inc.