Jeremias15
Ang Parusa para sa mga Taga-Juda
1Sinabi sa akin ng Panginoon, “Kahit sina Moises at Samuel pa ang magmakaawa sa akin para sa mga taong ito, hindi ko sila kahahabagan. Kaya ilayo mo sila sa akin. Paalisin mo sila!2Kung magtatanong sila kung saan sila pupunta, sabihin mo na ito ang sinabi ng Panginoon:‘Ang mga nakatakdang mamatay ay mamamatay.Ang ibaʼy itinakdangmamatay sa digmaanat ang ibaʼy sa taggutom.Ang iba namaʼy itinakdang bihagin.’3“Ipapadala ko sa kanila ang apat na uri ng parusa,” sabi ng Panginoon. “Mamamatay sila sa digmaan, kakaladkarin ng mga aso ang mga bangkay nila, tutukain sila ng mga ibon at ang natitira sa mga bangkay nilaʼy uubusin ng mababangis na hayop.4Kamumuhian sila ng lahat ng bansa sa mundo dahil sa ginawa ni Manases na anak ni Ezequias sa Jerusalem noong hari pa siya ng Juda.5O mga taga-Jerusalem, sino kayaang mahahabag sa inyo?Sino kaya ang magluluksa para sa inyo?At sino kaya ang magtatanongtungkol sa inyong kalagayan?6Itinakwil ninyo ako;palagi ninyo akong tinatalikuran.Kaya ako, ang Panginoon,ay nagsasabing iuunat koang aking mga kamay upang kayo ay lipulin.Sawa na akong kahabagan kayo.7Parurusahan ko kayo tulad ng ipang tinatahipsa pintuan ng lungsod.Lilipulin ko kayo at ang mga anak ninyo,dahil hindi ninyo tinalikuranang inyong masasamang ugali.8Pararamihin ko ang inyong mga biyudana parang mas marami pakaysa sa buhangin sa tabing-dagat.Sa katanghaliang tapat, ipapadala koang lilipol sa mga ina ng mga binata.Biglang darating sa inyoang pagdadalamhati at takot.9May inang mawawalan ng pitong anak na lalaki.Hihimatayin siya at mahihirapang huminga.Ang kanyang mga anak ay parang araw na lumubognang napakaaga pa.Mapapahiya siya dahil wala na siyang anak.At ang mga matitirang buhayay ipapapatay ko rin sa mga kaaway,”wika ng Panginoon.10Kahabag-habag ako!Sanaʼy hindi na ako isinilang ng aking ina!Palagi akong kinakalaban sa buong Juda.Wala akong utang kaninuman,at hindi rin ako nagpapautang,pero isinusumpa ako ng lahat.11Sinabi ng Panginoon,“Tiyak na ikaw ay aking ililigtaspara sa mabuting layunin;tinitiyak kong ang iyong mga kaawayay magmamakaawa sa iyosa panahon ng kalamidad at kahirapan.12“Kung papaanong walang makakabaling piraso ng bakal o tanso,wala ring makakatalo sa mga kaawayna galing sa hilaga.13“Ipapasamsam ko sa mga kaaway ninyoang inyong mga kayamanan at ari-ariandahil sa mga kasalanang inyong ginawasa buong bansa.14Ipapaalipin ko kayosa inyong mga kaawaysa lupaing hindi ninyo alam,at ipadarama ko sa inyoang aking galit naparang nagliliyab na apoy.”15Sinabi ko, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat!Alalahanin at tulungan po ninyo ako.Ipaghiganti ninyo ako sa mga umuusig sa akin.Alam kong hindi kayo madaling magalit,kaya huwag po ninyo akong hayaang mamatay.Alalahanin po ninyo ang mga paghihirap kodahil sa inyo.16Noong nagsalita kayo sa akin,pinakinggan ko po kayo.Ang mga salita po ninyo ay kagalakan ko;at akoʼy sa inyo,O Panginoong Diyos ng mga Hukbo.17Hindi po ako sumáma sa mga kasayahan at kagalakan nila.Nag-iisa po ako dahil nakikipag-usap kayo sa akinat sinabi nʼyo sa akinang tungkol sa inyong galit.18Bakit hindi po natatapos ang aking paghihirap?Bakit hindi na gumagaling ang aking mga sugat?Hindi na po ba magagamot ang mga ito?Bibiguin po ba ninyo akona parang sapa na natutuyo kapag tag-araw?”19Kaya sinabi ng Panginoon,“Kung ikaʼy magsisisi, pababalikin kita sa aking pilingupang patuloy kang makapaglingkod sa akin.Kung magsasalita ka ng mga makabuluhang bagayat iiwasan ang mga bagay na walang kabuluhan,muli kitang gagawing aking tagapagsalita.Kinakailangang sila ang lumapit sa iyoat hindi ikaw ang lalapit sa kanila.20Gagawin kitang parang matibay na tansong pader para sa mga taong ito.Kakalabanin ka nila ngunit hindi ka nila magagapi,sapagkat kasama mo ako.Iingatan kita at ililigtas,” wika ng Panginoon.21“Ililigtas kita sa kamay ng masasamaat sasagipin kita mulasa mararahas na tao.”Biblica, Inc.