Isaias66
Hahatulan ng Panginoon ang mga Bansa
1Ito ang sinasabi ng Panginoon,“Ang langit ang aking trono,at ang lupa ang aking apakan.Anong uri ng bahayang gagawin nʼyo para sa akin?Anong lugar baang mapagpapahingahan ko?2Hindi baʼt ako ang gumawang lahat ng bagay na ito,kaya silaʼy nalikha?”wika ng Panginoon.“Binibigyang pansin koang mga taong mapagpakumbaba,nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.3Ngunit ganito naman ang magiging trato kosa mga taong sumusunodsa sarili nilang kagustuhanat nagagalak sa kanilangmga ginagawang kasuklam-suklam:Kung papatay sila ng baka para ihandog,ituturing ko na parangpumatay sila ng tao.Kung maghahandog sila ng tupa,ituturing ko na parangpumatay sila ng aso.Kung mag-aalay sila ng handog na regalo,ituturing ko na parangnaghandog sila ng dugo ng baboy.At kung magsusunog sila ng insensobilang pag-alaala sa akin,ituturing ko na parangnagpupuri sila sa mga diyos-diyosan.4Maliban diyan, padadalhan ko silang parusang labis nilang katatakutan.Sapagkat noong akoʼy tumawag,hindi sila sumagot;nang akoʼy nagsalita,hindi sila nakinig.Gumawa sila ng masamasa aking paninginat kung ano ang ayaw ko,iyon ang ginagawa nila.”5Kayong mga may takotsa salita ng Panginoon,pakinggan nʼyo ang mensahe niya,“Dahil kayoʼy tapat sa akin, kinapopootanat tinatakwil kayo ng ilansa inyong mga kababayan.Kinukutya nila kayo na nagsasabi,‘Ipakita na sana ng Panginoonang kanyang kapangyarihanupang makita namin ang inyong kagalakan!’ ”Ngunit silaʼy mapapahiya.6Naririnig nʼyo ba ang ingaysa lungsod at sa Templo?Iyan ang tinig ng Panginoonhabang pinaghihigantihan niyaang kanyang mga kaaway.7“Ang Jerusalem ay maitutuladsa isang babaeng manganganak;hindi pa sumasakit ang kanyang tiyanay nagsilang na ng sanggol.8Sino ang nakarinigat nakakita ng katulad nito?May bansa ba o lupaingisinilang sa maikling panahon?Ngunit kapag nakaramdam nang paghihirap ang Jerusalem,isisilang na ang kanyang mamamayan. 9Dadalhin ko ba ang bansang itosa araw ng kanyang kapanganakan,at pagkatapos ay hindi ko siya hahayaang mailuwal?”wika ng Panginoon.“Siyempre hindi!Hindi ko pipigilang maipanganak ito,”sabi ng Diyos.10Kayong lahat ng nagmamahal sa Jerusalem,makigalak kayong kasama niya.At kayong mga umiiyak para sa kanya,makisaya kayo sa kanya,11upang matamasa ninyo ang kanyang kasaganaankatulad ng sanggol na sumususosa kanyang ina at nabusog.12Sapagkat sinasabi ng Panginoon,“Pauunlarin ko ang Jerusalemat itoʼy magiging payapa.Dadalhin ko sa kanya ang kayamananng mga bansana parang umaapawna daluyan ng tubig.Kayoʼy matutulad sa isang sanggolna aalagaan, hahawakan, pasususuhin,at kakalungin ng kanyang ina.13Aaliwin ko kayo doon sa Jerusalem,katulad ng isang inangumaaliw sa kanyang anak.”14Kapag itoʼy nakita ninyong ginagawa ko na,magagalak kayo,at lalago na parang sariwang tanim.Ipapakita ng Panginoonang kanyang kapangyarihansa kanyang mga lingkod,ngunit ipapakita niya ang kanyang galitsa kanyang mga kaaway.15Makinig kayo!Darating ang Panginoonna may dalang apoy.Sasakay siya sa kanyangmga karwaheng pandigma na parang ipuipo.Ipapakita niya ang kanyang galitsa kanyang mga kaaway,at parurusahan niya silang nagliliyab na apoy.16Sapagkat sa pamamagitanng apoy at espada,parurusahan ng Panginoonang lahat ng taong makasalanan,at marami ang kanyang papatayin.17Sinabi ng Panginoon, “Sama-samang mamamatay ang mga nagpapakabanal at naglilinis ng mga sarili nila sa pagsamba sa kanilang mga diyos-diyosan sa halamanan. Mamamatay silang kumakain ng baboy, daga, at iba pang mga pagkaing kasuklam-suklam.18“Alam ko ang kanilang ginagawa at iniisip. Kaya darating ako at titipunin ko ang lahat ng mamamayan ng lahat ng bansa, at makikita nila ang aking kapangyarihan.19“Magpapakita ako ng himala sa kanila. At ang mga natitira sa kanila ay susuguin ko sa mga bansang Tarsis, Pul, Lud (ang mga mamamayan nito ay tanyag sa paggamit ng pana), Tubal, Gresya, at sa iba pang malalayong lugar na hindi nakabalita tungkol sa aking kadakilaan at hindi nakakita ng aking kapangyarihan. Ipapahayag nila ang aking kapangyarihan sa mga bansa.20At dadalhin nilang pauwi mula sa mga bansa ang lahat ng mga kababayan ninyo na nakasakay sa mga kabayo, sa mga mola, sa mga kamelyo, sa mga karwahe, at sa mga kariton,” wika ng Panginoon. “Dadalhin nila sila sa banal kong bundok sa Jerusalem bilang handog sa akin katulad ng ginagawa ng mga Israelita na naghahandog sa akin sa templo ng mga handog na pagkain, na nakalagay sa mga malinis na lalagyan.21At ang iba sa kanila ay gagawin kong pari at mga Levita,” wika ng Panginoon.22“Kung papaanong ang bagong langit at ang bagong lupa na aking gagawin ay mananatili magpakailanman,” pahayag ng Panginoon, “ang inyong lahi ay mananatili rin magpakailanman, at hindi kayo makakalimutan.23Sa bawat Pista ng Bagong Buwan at sa bawat Araw ng Pamamahinga ang lahat ay sasamba sa akin,” sabi ng Panginoon.24“At paglabas ng mga sumamba sa akin sa Jerusalem, makikita nila ang bangkay ng mga taong nagrebelde sa akin. Ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay at ang apoy na susunog sa kanila ay hindi napapawi. At pandidirian sila ng lahat ng tao.”Biblica, Inc.