Isaias65
Parusa at Kaligtasan
1“Ipinakilala ko ang aking sarilisa mga taong hindi nagtatanongtungkol sa akin.Natagpuan nila akokahit na hindi nila ako hinahanap.Ipinakilala ko ang aking sarilisa bansang hindi tumatawag sa akin.Sinabi ko sa kanila,‘Narito ako, narito ako.’2Patuloy kong iniaabot ang aking kamaysa mga mamamayan kongmatitigas ang ulo,na lumalakad sa hindi mabuting daanat sinusunod lamangang sarili nilang isipan.3Buong araw nila akong iniinsultonang harapan,sa pamamagitan ng pagsambasa kanilang mga diyos-diyosandoon sa kanilang mga sagradong halamanan.Nagsusunog sila ng mga insensodoon sa altar ng mga paganoat nagsusunog ng mga insensosa mga altar na bato.4Umuupo sila kung gabi sa mga libinganat sa mga lihim na lugarpara makipag-usap sa kaluluwang mga patay.Kumakain sila ng karne ng baboyat ng iba pang pagkainna ipinagbabawal na kainin.5Sinasabi nila sa iba,‘Huwag kang lumapit sa akinbaka akoʼy madungisan.Mas banal ako kaysa sa iyo!’Naiinis ako sa ganitong mga tao.At ang galit ko sa kanila ay parang apoyna nagniningas sa buong maghapon.”6Sinabi pa ng Panginoon,“Makinig kayo,nakasulat na ang hatolpara sa aking mga mamamayan.Hindi maaaring manahimik na lamang ako;maghihiganti ako.7Gagantihan ko sila ng nararapatsa kanilang mga kasalananpati sa mga kasalananng kanilang mga ninuno,”sabi ng Panginoon.“Sapagkat nagsunog sila ng mga insensoat nilapastangan akosa mga bundok at mga burol.Kaya gagantihan ko silang nararapat sa kanilang mga ginawa.”8Sinabi pa ng Panginoon,“Hindi sinisira ang kumpolng ubas na may mga sirang bunga,dahil ang magandang bungaay mapapakinabangan pa.Ganyan din ang gagawin kosa aking mga mamamayan,hindi ko sila lilipulin lahat.Ililigtas ko ang mga naglilingkod sa akin.9May ititira akong mga buháysa mga lahi ni Jacobpati sa lahi ni Judaat sila ang magmamana ng aking lupainna may maraming bundok.Sila na aking mga piniliat mga lingkod ang siyang maninirahansa lupaing ito.10Pagpalain ko silang mga lumalapit sa akin.Ang mga Lambak ng Saron at Acoray magiging pastulan ng kanilang mga hayop.11“Ngunit dahil itinakwil ninyo Panginoonat binalewala ang banal niyang Templo,at dahil naghandog kayosa mga diyos-diyosanginyong pinaniniwalaanna magbibigay sa inyo ng suwerteat magandang kapalaran,12kaya inilaan ko sa inyong lahatang kapalarang mamamatay.Sapagkat nang tumawag ako,hindi kayo sumagot;nang nagsalita ako,hindi kayo nakinig.Gumawa kayo ng masamasa aking harapan;kung ano ang ayaw ko,iyon ang ginagawa ninyo.”13Kaya ito ang sinabing Makapangyarihang Panginoon,“Ang aking mga lingkod ay kakain at iinom,ngunit kayoʼy magugutom at mauuhaw.Matutuwa sila,ngunit kayoʼy mapapahiya.14Aawit sila sa tuwa,ngunit kayoʼy iiyak sa lungkotat sama ng loob.15Ang inyong mga pangalanay susumpain ng aking mga pinili,at ako, ang Makapangyarihang Panginoon,ang papatay sa inyo.Ngunit ang aking mga lingkoday bibigyan ko ng bagong pangalan.16Ang sinumang magsasabi ng pagpapalao manunumpa sa lupain ng Israel,gagawin niya ito sa pangalan ko,ang Diyos na tapat. Sapagkat kakalimutan ko naang mga nagdaang hirap,at itoʼy papawiin ko na sa aking paningin.Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa
17“Makinig kayo! Gagawa akong bagong langit at bagong lupa.Ang dating langit at lupaay kakalimutan na.18Kaya magalak kayo at magdiwangnang walang hanggan sa aking gagawin.Sapagkat ang Jerusalemay gagawin kong kagalakan ng mga tao,at ang kanyang mga mamamayanay magbibigay din ng kagalakan.19Magagalak ako sa Jerusalemat sa kanyang mga mamamayan.Hindi na maririnig doon ang iyakanat paghingi ng tulong o mga pagdaing.20“Doon ay walang mamamatayna sanggol o bata pa.Ang sinumang mamamatay sa gulangna isang daang taonay ituturing na bata pa,at ang mamamatay nang hindi paumaabot sa isang daang taonay ituturing na pinarusahan ko.21Sa mga panahong iyon,magtatayo ang aking mga mamamayanng mga bahay at titirhan nila ito.Magtatanim sila ng mga ubasat sila rin ang aani ng mga bunga nito.22Hindi na ang mga kaaway nilaang makikinabang sa kanilangmga bahay at mga pananim.Sapagkat kung papaanong ang punongkahoyay nabubuhay nang matagal,ganoon din ang aking mga mamamayanat lubos nilang pakikinabanganang kanilang pinaghirapan.23Hindi sila magtatrabaho nang walang pakinabangat ang kanilang mga anakay hindi makakaranas ng kamalasan.Sapagkat silaʼy mga taongpinagpapala ng Panginoon.At ang kanilang mga anakay kasama nilang pinagpala.24Bago pa sila manalangino habang silaʼy nananalangin pa lang,sasagutin ko na sila.25Sa mga araw na iyon magkasamang kakainang asong lobo at mga tupa,pati mga leon at mga bakaay kakain ng damo.At ang mga ahasay hindi na manunuklaw.Wala nang mamiminsalao gigiba sa aking banal na bundok ng Zion.Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”Biblica, Inc.