Isaias6
Ang Pagkatawag kay Isaias
1Noong taon ng pagkamatay ni Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa napakataas na trono. Ang mahabang damit niya ay nakatakip sa buong Templo.2May mga makalangit na nilalang sa gawing ulo niya. Ang bawat isa sa kanila ay may anim na pakpak: Ang dalawang pakpak ay nakatakip sa kanilang mukha, ang dalawa ay nakatakip sa kanilang paa, at ang dalawa ay ginagamit nila sa paglipad.3Sinasabi nila sa isaʼt isa:“Banal, Banal, Banal,ang Panginoon ng mga Hukbo!Ang kapangyarihan niyaʼysumasakop sa buong mundo.”4Sa lakas ng tinig nila, nayanig ang mga pundasyon ng templo at napuno ng usok ang loob ng templo.5Sinabi ko, “Kahabag-habag ako! Tiyak na mapapahamak ako, sapagkat akoʼy may maruming labi at naninirahan ako sa kasama ng mga taong marurumi rin ang pananalita. At ngayon, nakita ko ang Hari, ang Panginoon ng mga Hukbo.”6Pagkatapos, lumipad ang isa sa mga makalangit na nilalang papunta sa akin, may dala siyang baga na kinuha niya sa altar.7Idinampi niya ang baga sa aking bibig at sinabi, “Tingnan mo, dumampi na ito sa iyong bibig. Ang iyong pagkakasala ay naalis na at ikaʼy pinatawad na.”8Pagkatapos, narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, “Sino ang isusugo ko? Sino ang hahayo para sa amin?”Sumagot ako, “Narito po ako! Ako ang isugo ninyo.”9Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel,‘Marinig man ninyoʼyhindi rin ninyo mauunawaan.Makita man ninyoʼyhindi rin ninyo maiintindihan.’10Patigasin mo ang pusong mga taong ito.Hayaan mong hindi makarinigang kanilang mga taingaat hindi makakitaang kanilang mga mata,sapagkat kung talagangnakakakita sila, nakakarinig,at nakakaunawa,magbabalik-loob sila sa akin,at silaʼy mapapagagaling.”11Nagtanong ako, “Panginoon, gaano katagal?”
Sumagot siya,“Hanggang sa mawasakang mga lungsod ng Israelat wala nang manirahan dito.Hanggang sa wala nang tumirasa mga bahayat ang lupain ay maging tiwangwangat wasak.12Hanggang sa itaboy ng Panginoonang mga Israelitaat ang kanilang lupainay tuluyang mapabayaan na.13Kahit maiwan paang ikasampung bahaging mga Israelita sa lupain ng Israel,lilipulin pa rin sila.Ngunit may mga pinili akongmatitira sa kanila.Ang katulad nilaʼy mga tuodng pinutol na punong ensina.”
Biblica, Inc.