Isaias5

Awit tungkol sa Ubasan

1Aawit ako para sa aking minamahaltungkol sa kanyang ubasan:May ubasan ang aking minamahalsa burol na mataba ang lupa.2Inararo niya ito,inalisan ng mga bato,at tinamnan ng mga piling ubas.Nagtayo rin siya ng bantayang tore,at nagpagawa ng pigaan ng ubas.Pagkatapos, hinintay niya ang aning matatamis na ubas,subalit ang mga lumago namanay pawang maaasim.3Kaya sinabi niya:“Kayong mga nakatirasa Jerusalem at Juda,kayo ang humatol sa pagitannamin ng aking ubasan.4Mayroon pa ba akong dapat gawinpara sa aking ubasanna hindi ko pa nagagawa?Matamis na bunga ang aking inaasahan,ngunit nang pitasin ay maasim naman.5Sasabihin ko sa inyoang gagawin ko sa ubasan ko.Aalisin ko ang halamang bumabakod dito,at itoʼy masisira;wawasakin ko ang pader nito,at itoʼy tatapak-tapakan.6Pababayaan ko na lang itoat hindi na aalagaan.Hindi ko na rin ito puputulanng mga sanga o bubungkalin.Hahayaan ko na lang ito na matabunanng mga damo at matitinik na halaman.At ang mga ulap ay aking uutusanna huwag itong patakan ng ulan.”
7Ang bayang Israel ang ubasanng Panginoon ng mga Hukbo.Ang sambayanan ng Judaang tanim na ikinatutuwa niya.Umasa siyang makakita ng katarungan,subalit pang-aapi ang kanyang natagpuan.Umasa siyang makakita ng katuwiran,ngunit sa halip, iyak ng kahirapanang kanyang napakinggan.

Ang Pagkakasala at Paghuhukom kay Juda

8Nakakaawa kayongmga nagpaparami ng mga bahayat nagpapalawak ng inyong mga lupainhanggang sa wala nang lugar para sa ibaat kayo na lang ang nakatira sa lupaing ito.9Sinabi sa akinng Panginoong Makapangyarihan,“Tiyak na mapapabayaanang malalaki at magagarang bahay na itoat wala nang titira dito.10Ang dalawang ektaryang ubasanay aani na lamangng anim na galong alak.At ang sampung takal na binhiay aani lang ng isang takal.”
11Nakakaawa kayong bumabangon nang maagapara mag-inuman at maglasinghanggang lumalim ang gabi.12May mga alpa at lira pa kayosa inyong mga piging,may tamburin, plawta at alak na nakahain.Ngunit hindi ninyo pinapansinang ginagawa ng Panginoon.13Kaya kayong mga mamamayan koay mabibihagsapagkat kulang kayo sa pang-unawa.Ang inyong mga matataas na opisyalay mamatay sa gutom,at ang mga karaniwang taoʼymalulugmok sa pagkauhaw.14Nananabik na ang libinganna may bungangang nakaabang,hinihintay nitong lamuninang mga maharlikahanggang sa mga karaniwang mamamayan,pati na ang mga taong nagdiriwang.15Kaya ibabagsakang lahat ng tao,lalo na ang mga mapagmataas.16Ngunit ang Panginoon ng mga Hukboay dadakilain sa kanyang katarungan.Patutunayan ng Diyos na siyaʼy banalsapagkat matuwidang kanyang paghatol.17Sa araw na iyon,manginginain ang mga tupana para bang nasa sariling pastulan,at kakain ang mga pinatabang tupaat batang kambingsa nawasak na lungsodng mga mayayaman.
18Kahabag-habag kayong binubuntutansa kasalanankayong paghahabi ng kasinungalinganang pinagkakaabalahan,hindi na kayo makakawala sa gaposng inyong panlilinlang.19Sinasabi nʼyo pa,“Bilis-bilisan sanang Banal na Diyos ng Israelna gawin ang sinabi niyang kaparusahanupang makita na namin.Magkatotoo na nga ang kanyang plano,upang malaman namin ito.”
20Kahabag-habag kayong mga nagsasabina ang masama ay mabutiat ang mabuti ay masama.Ang kadiliman ay sinasabi ninyong liwanagat ang liwanag ay sinasabi ninyong kadiliman.Ang mapait ay sinasabi ninyong matamisat ang matamis ay sinasabi ninyong mapait.
21Kahabag-habag kayo,kayong mga nag-aakalangkayoʼy marurunong at matatalino.
22Kahabag-habag kayo,kayong malalakas uminom ng alakat bihasa sa pagtitimpla nito.23Pinakakawalan ninyoang may mga kasalanandahil sa suhol,ngunit hindi ninyo binibigyanng katarungan ang mga walang kasalanan.24Kaya matutulad kayosa dayami o tuyong damona masusunog ng apoy.Matutulad din kayo sa tanimna ang mga ugat ay nabuloko sa bulaklak na tinangay ng hanginna parang alikabok,dahil itinakwil ninyo ang kautusanng Panginoon ng mga Hukbo,ang Banal na Diyos ng Israel.25Kaya naglagablab ang pootng Panginoon sa inyona kanyang mga mamamayan,iniamba niya ang kanyang kamayat kayoʼy kanyang pinarusahan.Nayanig ang mga bundokat nakakalat sa mga lansanganang inyong mga bangkayna parang mga basura.Ngunit hindi pa rin humupaang kanyang poot.Ang kanyang kamayay nananatiling nakaamba.26Sesenyasan niya ang mga bansa sa malayo;sisipulan niya ang mga nakatirasa pinakamalayong bahagi ng mundo,at agad silang daratingpara salakayin kayo.27Ni isa man sa kanilaay hindi mapapagod o madadapa,at wala ring aantukin o matutulog.Walang sinturong luluwag sa kanilang baywang,walang tali ng sandalyas na malalagot.28Ang kanilang mga palasoʼy matutulis,at ang kanilang panaʼy nakakabitat nakaamba.Ang mga paa ng kanilang kabayoay tulad ng matitigas na bato,at ang gulong ng kanilang mga karwaheʼytulad ng ikot ng buhawi.29Ang sigaw nilaʼy parang ungol ng leon,umaatungal silang gaya ng mga batang leon.Habang umuungol ay sinasakmal nilaang kanilang biktima,kinakaladkad nila itoat wala nang makakapagligtas nito.30Sa araw na sumalakay sila sa Israel,sisigaw sila na parang ugong ng dagat.At kapag tiningnanng mga tao ang lupain ng Israel,ang makikita nila ay kadiliman at kahirapan.Ang liwanag ay matatakpanng makapal na ulap.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3