Ang Mangangaral4

Pang-aapi, Pagpapagal at Kawalan ng Kaibigan

1Nakita ko ulit ang mga pang-aapi rito sa mundo.Umiiyak ang mga inaapi,pero walang tumutulong sa kaniladahil makapangyarihan ang mang-aapiat walang kumakalinga sa kanila.2Kaya nasabi kong mas mabuti pa ang mga patay kaysa sa mga buháy.3Pero higit na mabuti ang mga hindi pa ipinapanganak,na hindi pa nakakakita ng kasamaan dito sa mundo.
4Nakita ko rin na nagsusumikap ang mga tao at ginagawa ang lahat ng makakaya dahil naiinggit sila sa kanilang kapwa. Wala itong kabuluhan; para silang humahabol sa hangin.5Hangal ang taong tamad,kaya halos mamatay siya sa gutom.6Mas mabuti pa ang may isang dakot ng pagkainat payapa ang buhaykaysa sa dalawang dakot ng pagkaingdala ng labis na paghihirap,at para ka lang humahabol sa hangin.
7May nakita pa ako sa mundong ito na walang kabuluhan.8May isang taong nag-iisa sa buhay.Wala siyang anak at wala ring kapatid.Pero wala siyang tigil sa pagtatrabahoat hindi nakokontento sa kanyang kayamanan.Sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi na ako nakakapagsayadahil sa sobrang pagtatrabaho.Pero wala naman akong mapag-iiwananng aking mga pinaghirapan.”Wala itong kabuluhan!At napakalungkot ng ganitong klase ng buhay.
9Mas mabuti ang may kasamakaysa mag-isa;mas marami silang magagawa.10Kapag nadapa ang isa sa kanilamaitatayo siya ng kanyang kasama.Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa,dahil walang tutulong sa kanya.11Kapag malamig, maaari kayong matulog nang magkatabiat pareho kayong maiinitan.Pero kung nag-iisa ka,papaano ka maiinitan?12Madali kang matalo kung ikaw ay nag-iisa,subalit mahirap kang taluninkung may kasama ka.Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla,mahirap itong malagot.

Ang Pag-unlad ay Walang Kabuluhan

13Mas mabuti pa ang isang batang mahirap pero marunong, kaysa sa isang matandang hari pero hangal at ayaw tumanggap ng payo.14At maaaring maging hari ang batang iyon kahit siya ay nakulong at ang matandang hari namang iyon ay maaaring maghirap kahit na ipinanganak pa siyang dugong bughaw.15Pero naisip ko na kahit maraming tao dito sa mundo ang susunod sa batang iyon na pumalit sa hari,16at hindi mabilang ang mga taong paghaharian niya, maaaring hindi rin masisiyahan sa kanya ang susunod na henerasyon. Ito man ay wala ring kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3