Ang Mangangaral3

May Kanya-kanyang Oras ang Lahat

1Ang bawat pangyayariay may dahilan,at ang lahat ng bagayay may nakatakdang orassa mundong ibabaw.2May oras ng pagsilangat may oras ng kamatayan;may oras ng pagtatanimat may oras ng pag-aani.3May oras ng pagpatayat may oras ng pagpapagaling;may oras ng pagsiraat may oras ng pagpapatayo.4May oras ng pagluhaat may oras ng pagtawa;may oras ng pagluluksaat may oras ng pagdiriwang.5May oras ng pagkakalat ng batoat may oras ng pagtitipon nito;may oras ng pagsasama at may oras ng paghihiwalay.6May oras ng paghahanapat may oras ng paghinto ng paghahanap;may oras ng pagtatagoat may oras ng pagtatapon.7May oras ng pagpunitat may oras ng pagtahi;may oras ng pagtahimikat may oras ng pagsasalita.8May oras ng pagmamahalat may oras ng pagkagalit;may oras ng digmaanat may oras ng kapayapaan.
9Ano ang mapapala ng manggagawa sa kanyang pinaghirapan?10Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Diyos para sa tao.11At lahat ng ito ay itinadhana ng Diyos na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.12Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay.13Gusto ng Diyos na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin.14Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Diyos para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya.15Ang mga nangyayari ngayonat ang mga mangyayari pa langay nangyari na noon.Inuulit lang ng Diyosang mga pangyayari.
16Nakita ko rin naang kasamaan ang naghahari rito sa mundosa halip na katarungan at katuwiran.
17Sinabi ko sa sarili ko,“Hahatulan ng Diyos ang matutuwidat masasamang tao,dahil may itinakda siyang orassa lahat ng bagay.”
18Sinabi ko rin sa aking sarili, “Sinusubok ng Diyos ang mga tao para ipakita sa kanila na tulad sila ng mga hayop.19Ang kapalaran ng tao ay tulad ng sa hayop; pareho silang mamamatay. Pareho silang may hininga, kaya walang inilamang ang tao sa hayop. Talagang walang kabuluhan ang lahat!20Iisa lang ang patutunguhan ng lahat. Lahat ay nagmula sa lupa at sa lupa rin babalik.21Sino ang nakakaalam kung ang espiritu ng taoʼy umaakyat sa itaas at ang espiritu ng hayop ay bumababa sa ilalim ng lupa?”
22Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao ay magpakasaya sa pinaghirapan niya, dahil para sa kanya iyon. Walang sinumang makapagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari kapag siya ay namatay.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3