Zacarias10
Nahabag ang Diyos sa Juda at sa Israel
1Humiling kayo sa Panginoon ng ulansa panahon ng tagsibol,sapagkat siya ang gumagawang mga ulap.Binibigyan niya ng ulan ang mga taoat ang bawat tanim sa parang.2Ang mga diyos-diyosanay nagsasalita nang mapanlinlang;ang mga manghuhulaʼy bulaan ang pangitain,ang mga panaginip na kanilangsinasabiʼy pawang kasinungalingan,ang aliw na ibinibigay ay walang kahulugan.Kaya ang mga taoʼy lumalaboytulad ng tupa,dahil walang pastol silaʼy nagdurusa.3Sinabi ng Panginoon,“Galit na galit ako sa mga namumunosa aking mga mamamayan.Talagang parurusahan ko sila.Sapagkat aalalahaninng Panginoon ng mga Hukboang kanyang kawan,ang mga mamamayan ng Juda.Gagawin ko silang tuladng mga kabayong matagumpaysa digmaan.4Sa kanila magmumula ang mga pinunona ang katulad ay batong-panulukan,tulos ng tolda, at panang ginagamitsa digmaan.5Magkakaisa ang mga taga-Judaat magiging katulad silang mga sundalong malalakasna tatalo sa mga kanilang mga kalabanna parang putikna tinatapak-tapakan sa lansangan.Makikipaglaban siladahil kasama nila ang Panginoon,at tatalunin nila ang mga mangangabayo.6“Palalakasin ko ang mga mamamayanng Juda at ililigtas koang mga mamamayan ng Israel.Pababalikin ko sila sa kanilang lupaindahil naaawa ako sa kanila.At dahil ako ang Panginoon na kanilang Diyos,diringgin ko ang kanilang mga dalangin,na parang hindi ko sila itinakwil tulad ng dati.7Ang mga mamamayan ng Efraimay magiging katuladng mga malalakas na kawal.Magiging masaya silana parang nakainom ng alak.Ang tagumpay na itoʼy maaalalang kanilang mga kaapo-apohanat matutuwa siladahil sa ginawa Panginoon.8Tatawagin ko ang akingmga mamamayanat titipunin ko sila.Palalayain ko sila,at dadami sila tulad nang dati.9Kahit na ikinalat ko silasa ibang bansa,maaalala pa rin nila ako roon.Mananatili silang buhaypati ang kanilang mga anak,at babalik sila sa kanilang lupain.10Pauuwiin ko silamula sa Ehipto at Asiria,at patitirahin ko silasa Gilead at Lebanon.Magiging masikip sila sa kanilang lupain.11Tatawid sila sa dagat na maalonngunit magiging payapa ang mga alon.At kahit ang Ilog ng Niloay matutuyo.Ang ipinagmamalaki ng Asiriaay babagsakat ang kapangyarihan ng Ehiptoay mawawala.12Palalakasin ko ang aking mga mamamayandahil nasa akin sila,at susundin nila ako saan man sila magpunta,”sabi ng Panginoon.Biblica, Inc.