Mga Salmo40
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1Akoʼy matiyagang naghintay sa Panginoon,at dininig niya ang aking mga daing.2Para akong nasa malalimat lubhang maputik na balon.Ako ay kanyang iniahonat itinatayo sa malaking bato,upang hindi mapahamak.3Tinuruan niya ako ng bagong awit,ang awit ng pagpupuri sa ating Diyos.Marami ang makakasaksiat matatakot sa Panginoon,at silaʼy magtitiwala sa kanya.4Mapalad ang taong sa Panginoon nagtitiwala,at hindi lumalapit sa mga mapagmataas,o sumasamba sa mga diyos-diyosan.5Panginoon kong Diyos,wala kayong katulad.Napakarami ng kahanga-hangang bagayna inyong ginawa para sa amin,at ang inyong mga plano para sa aminay marami rin.Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.6Hindi kayo nalulugodsa ibaʼt ibang klaseng handog.Hindi kayo humihingi ng handogna sinusunogat handog para sa kasalanan.Itoʼy inyong ipinaunawa sa aking isipan.7Kaya sinabi ko,“Narito ako. Sa inyong Kasulatanay nakasulat ang tungkol sa akin.8O Diyos, nais kong sundin ang inyong kalooban.Ang inyong mga kautusany iniingatan ko sa aking puso.”9Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan,inihayag ko ang inyong pagliligtas.At alam nʼyo, Panginoon,na hindi ako titigil sa paghahayag nito.10Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin.Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtasat maaasahan.Hindi ako tumatahimik kapag nagtitiponang inyong mga mamamayan.Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibigat katotohanan.11Panginoon, huwag nʼyong pigilinang awa nʼyo sa akin.Ang inyong pag-ibig at katapatanang laging mag-iingat sa akin.12Hindi ko na kayang bilanginang napakarami kong suliranin.Para na akong natabunanng marami kong kasalanan,kaya hindi na ako makakita.Ang bilang ng aking mga kasalananay mas marami pa kaysa sa aking buhok.Dahil dito, halos mawalan na ako ng pag-asa.13Panginoon, pakiusap!Iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.14Mapahiya sana at malitoang lahat ng nagnanais na mamatay ako.Magsitakas sana sa kahihiyanang lahat ng mga nagnanaisna akoʼy mapahamak.15Pahiyain nʼyo nang lubosang mga nagsasabi sa akin,“Aha! Napasaamin ka rin!”16Ngunit ang mga lumalapit sa inyoay magalak sana at magsaya.Ang mga naghahangad ng inyong pagliligtasay lagi sanang magsabi,“Dakila ka, o Panginoon!”17Ako naman na dukha at nangangailangan,alalahanin nʼyo ako, Panginoon.Kayo ang tumutulong sa akin.Kayo ang aking Tagapagligtas.Aking Diyos, agad nʼyo akong tulungan.Biblica, Inc.