Mga Salmo24

Awit na isinulat ni David.

1Ang buong mundo at ang lahat ng nariritoay pag-aari ng Panginoon.2Itinayo niya ang pundasyon ng mundosa kailaliman ng dagat.3Sino ang karapat-dapat umakyatsa bundok ng Panginoon?At sino ang maaaring tumuntongsa kanyang banal na lugar?4Makatutuntong ang may matuwid na pamumuhayat malinis na puso,ang hindi sumasamba sa mga diyos-diyosan,at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.5Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon,ang Diyos na kanyang Tagapagligtas.6Iyan ang mga taong makakalapitat sasamba sa Diyos ni Jacob.
7Buksan ninyo nang maluwangang mga lumang pintuan ng Temploupang makapasok ang haring makapangyarihan!8Sino ang haring makapangyarihan?Siya ang Panginoong malakasat matatag sa pakikipaglaban.9Buksan ninyo nang maluwangang mga lumang pintuan ng Temploupang makapasok ang haring makapangyarihan!10Sino ang dakilang Hari?Ang Panginoon ng mga Hukbo;Siya ang dakilang Hari!

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3