Mga Salmo132

Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1Panginoon, huwag nʼyong kalilimutan si Davidat ang lahat ng paghihirap na kanyang tiniis.
2Alalahanin nʼyo ang pangako niya sa inyo Panginoon,kayo na Makapangyarihang Diyos ni Jacob.Ipinangako niya,3“Hindi ako uuwi sa aking bahayni hihimlay sa aking higaan.4Hindi ko hahayaang dalawin ako ng antokni ipikit ang aking mga mata5hanggaʼt hindi ako nakakakita ng lugarna matitirhan ng Panginoon,ang Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”
6Nang kami ay nasa Efrata nabalitaan namin kung nasaan ang Kaban ng Kasunduan,at natagpuan namin ito sa kapatagan ng Jaar.7Sinabi namin, “Pumunta tayo sa tahanan ng Panginoon,at sumamba tayo sa kanya sa harap ng kanyang trono.”
8Panginoon, pumasok po kayo sa inyong tahanankasama ang Kahon ng inyong Kasunduan,na simbolo ng inyong kapangyarihan.9Sanaʼy palaging mamuhay ng matuwidang inyong mga pari,at umawit nang may kagalakanang inyong mga tapat na mamamayan.
10Alang-alang kay David na inyong lingkod,huwag ninyong itatakwil ang haring inyong hinirang.
11Nangako kayo noon kay David,at itoʼy tiyak na inyong tutuparinat hindi babawiin.Sinabi ninyo, “Isa sa iyong angkanang papalit bilang hari.12At kung ang iyong angkan ay tutupadsa aking kasunduan at susunodsa mga turo sa kanila,ang kanilang mga anak ay maghahari rinmagpakailanman.”
13Sapagkat pinili ng Panginoon ang Zionhinangad niya ito na maging tahanan niya.Sinabi niya,14“Ito ang aking tirahan magpakailanman;dito ako maninirahan dahil ito ang nais ko.15Bibiyayaan ko ang Zionng lahat niyang pangangailangan,mga mamamayan niyang dukhaay aking bubusugin.16Ililigtas ko ang kanyang mga pari,at ang kanyang tapat na mamamayanay aawit sa kagalakan.
17“Paghahariin ko sa Zion ang haringmula sa angkan ni David,at gagawin ko siyang parang ilawanna pumapatnubay sa mga tao.18Hihiyain ko ang kanyang mga kaaway,ngunit pauunlarin ko ang kaharian niya.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3