Mga Salmo116
1Mahal ko ang Panginoon,dahil dinidinig niya ang paghingi kong tulong sa kanya.2Dahil pinakikinggan niya ako,patuloy akong tatawag sa kanya habang akoʼy nabubuhay.3Natakot ako dahil nararamdaman kongmalapit na akong mamatay.Ang kamatayan ay parang talina pumupulupot sa akin.Nag-aalala ako at naguguluhan,4kaya tumawag ako sa Panginoon,“Panginoon, iligtas nʼyo po ako.”5Ang Panginoon nating Diyosay mabuti, matuwid at mahabagin.6Iniingatan ng Panginoonang mga kulang sa kaalaman.Nang wala na akong magawa,akoʼy iniligtas niya.7Magpapakatatag ako,dahil ang Panginoonay mabuti sa akin.8Sapagkat iniligtas niya ako sa kamatayan,sa kalungkutan at kapahamakan.9Kaya mamumuhay ako na malapit sa Panginoon dito sa mundo ng mga buháy.10Kahit na sinabi kong,“Sukdulan na ang paghihirap ko,”nagtitiwala pa rin ako sa kanya.11Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong,“Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.”12Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoonsa lahat ng kabutihan niya sa akin?13Sasambahin ko ang Panginoon,at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamatsa kanyang pagliligtas sa akin.14Tutuparin ko ang akingmga pangako sa Panginoonsa harap ng kanyang mga mamamayan.15Nasasaktan ang Panginoonkung mamatay ang kanyangmga tapat na mga mamamayan. 16Panginoon, ako nga ay inyong lingkod. Iniligtas nʼyo ako sa pagkabihag.17Sasamba ako sa inyoat mag-aalay ng handog bilang pasasalamat.18Tutuparin ko ang aking mga pangakosa inyo Panginoonsa harap ng inyong mga mamamayan,19doon sa inyong templo sa Jerusalem.Purihin ang Panginoon!
Biblica, Inc.