Mga Salmo101
Awit na isinulat ni David.
1Panginoon, aawit ako ng tungkolsa inyong pag-ibig at katarungan.Aawit ako ng mga papurisa inyo.2Mamumuhay ako nang walang kapintasan.Kailan nʼyo ako lalapitan?Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan.3Hindi ko hahayaan ang anumang kasamaan.Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taongtumatalikod sa Diyos,at hindi ako makikibahagisa kanilang ginagawa.4Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip;hindi ako sasali sa kanilangginagawang kasamaan.5Sinumang lihim na naninirasa kanyang kapwaay aking wawasakin.Ang mga hambog at mapagmataasay hindi ko palalagpasin.6Ipapadama ko ang aking kabutihansa aking mga kababayan na tapatat namumuhay nang matuwid;silaʼy magiging kasama koat papayagan kong maglingkod sa akin.7Ang mga mandaraya at mga sinungalingay hindi ko papayagang tumahan sa aking palasyo.8Bawat araw ay lilipulin koang mga taong masama;mawawala sila sa bayan ng Panginoon.Biblica, Inc.