Mga Bilang24

1Samantala, nang mapag-isip-isip ni Balaam na gusto ng Panginoon na pagpalain ang Israel, hindi na siya nangkulam katulad ng ginawa niya noong una. Sa halip, humarap siya sa disyerto2at nakita niya ang mga Israelita na nagkakampo ayon sa kani-kanilang lahi. Pagkatapos, pinuspos siya ng Espiritu ng Diyos,3at sinabi niya, “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa. 4Narinig ko ang salita ng Diyos, at nakakita ako ng isang pangitain na mula sa Diyos na Makapangyarihan. Nagpatirapa ako at nagpahayag siya sa akin. Ito ang aking mensahe:5‘Anong ganda ng inyongmga toldang tinitirhanng mga mamamayan ng Israelna lahi ni Jacob.6Katulad ito ng mga nakahanayna palma,o ng mga tanim sa tabing-ilog.Katulad din ito ng puno ng aloena itinanim ng Panginoon,o ng mga puno ng sedrosa tabi ng tubig.7Umaapaw ang mga tubigsa kanilang mga lalagyan,at nagtatanim sila ng butosa mga lupang sagana sa tubig.Ang kanilang hari ay magigingmas nakahihigit pakaysa kay Agagna hari ng Amalekita,at ang kanilang kaharianay magiging tanyag.8Inilabas sila ng Diyos sa Ehipto;para sa kanila, katulad siyang isang malakas na toro.Lulupigin nilaang kanilang mga kaaway;tutuhugin sa tulis ng panaat duduruginang kanilang mga buto.9Katulad sila ng mga leonna kapag nakatulog naay wala nang mangangahas panggumising sa kanila.Pagpapalain ang mga nagpapalasa kanilaat susumpain ang mga sumusumpasa kanila.’ ”
10Dahil dito, naging matindi ang galit ni Balak kay Balaam. Isinuntok niya ang kanyang kamao sa kanyang palad at sinabi, “Ipinatawag kita para sumpain ang aking mga kaaway, ngunit binasbasan mo pa sila ng tatlong beses.11Umuwi ka na lang! Nangako ako sa iyong babayaran kita ng malaking halaga, ngunit hindi pumayag ang Panginoon na matanggap mo ang bayad.”
12Sumagot si Balaam kay Balak, “Hindi baʼt sinabihan ko ang iyong mga mensahero,13na kahit ibigay mo pa sa akin ang iyong palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako makakagawa ng sarili kong kagustuhan, masama man ito o mabuti. Kung ano ang sinasabi ng Panginoon sa akin, iyon lang ang aking sasabihin.14Uuwi ako ngayon din sa aking mga kababayan, ngunit bago ako umalis, paaalalahanan muna kita kung ano ang gagawin ng mga Israelitang ito sa iyong mga mamamayan balang araw.”

Ang Ikaapat na Mensahe ni Balaam

15Pagkatapos, sinabi ni Balaam ang propesiyang ito:“Ako si Balaam na anak ni Beor,at may malinaw akong pang-unawa.16Narinig ko ang salita ng Kataas-taasang Diyos,at nakakita ako ng pangitainmula sa Diyos na Makapangyarihan.Nagpatirapa ako sa kanyaat nagpahayag siya sa akin:
17“May nakita akosa aking pangitainna hindi pa nangyayari.Sa hinaharap ay mamamahalaang isang hari  sa Israelmula sa lahi ni Jacob.Ibabagsak niya ang mga Moabitaat ang lahat ng lahi ni Set.18Sasakupin niya ang Edomna kanyang kaaway,na tinatawag ding Seir,habang tumatatag ang Israel.19Mamumuno ang isang pinunosa Israel at ibabagsak niyaang mga natirang buháysa lungsod ng Moab.”

Ang Ikalimang Mensahe ni Balaam

20Pagkatapos, nakita ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Amalekita at sinabi niya:“Ang Amalek noon ang nangungunasa mga bansa,ngunit sa huli, babagsak ito.”

Ang Ika-anim na Mensahe ni Balaam

21Pagkatapos, nakita na naman ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Cineo at sinabi niya,“Matatag ang inyong tinitirhan,dahil nakatayo ito sa mga bato22ngunit babagsak kayokapag binihag kayo ng Asiria.”

Ang Ikapitong Mensahe ni Balaam

23At sinabi pa ni Balaam ang mensaheng ito,“Kahabag-habag!Sino ba ang mabubuhaykung gagawin ito ng Diyos?24Darating ang mga barko mula sa Kitimat sasakupin nila ang mga mamamayanng Asiria at ng Eber,ngunit babagsak din ang Kitim.”
25Pagkatapos, umuwi si Balaam at ganoon din si Balak.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3