Nehemias7

1Nang matapos na ang pader ng lungsod at naikabit na ang mga pinto nito, itinalaga sa tungkulin nila ang mga tagapagbantay ng mga pintuan ng lungsod, ang mga mang-aawit, at ang mga Levita.2Ibinigay ko ang tungkulin ng pamamahala sa Jerusalem sa kapatid kong si Hanani kasama si Hananias na kumander ng mga guwardiya sa kuta. Pinili ko si Hanania dahil mapagkakatiwalaan siya at may takot sa Diyos higit sa karamihan.3Sinabi ko sa kanila, “Huwag nʼyong pabayaang nakabukas ang mga pintuan ng lungsod kapag tanghaling-tapat, kahit may mga tagapagbantay pang nagbabantay. Dapat nakasara ito at nakakandado. Maglagay din kayo ng mga tagapagbantay mula sa mga mamamayan ng Jerusalem. Ang iba sa kanila ay ilagay sa pader na malapit sa mga bahay nila, at ang iba naman ay ilagay sa ibang bahagi ng pader.”

Ang Talaan ng mga Tao na Bumalik mula sa Pagkabihag

4Napakalawak noon ng lungsod ng Jerusalem pero kakaunti lang ang mga naninirahan doon at kakaunti rin ang mga bahay.5Kaya ipinaisip ng aking Diyos sa akin na tipunin ang mga pinuno, mga opisyal, at iba pang mga naninirahan upang maitala sila ayon sa bawat pamilya. Nakita ko ang listahan ng mga pamilya na unang bumalik mula sa pagkabihag. Ito ang nakatala roon:
6Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Nakabalik na sila sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda.7Ang namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana.
Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:
8Ang angkan ni Paros 2,1729Ang angkan ni Sefatias 37210Ang angkan ni Arah 65211Ang angkan ni Pahat-moab (mula sa mga pamilya ni Jeshua at ni Joab) 2,81812Ang angkan ni Elam 1,25413Ang angkan ni Zatu 84514Ang angkan ni Zacai 76015Ang angkan ni Binui 64816Ang angkan ni Bebai 62817Ang angkan ni Azgad 2,32218Ang angkan ni Adonikam 66719Ang angkan ni Bigvai 2,06720Ang angkan ni Adin 65521Ang angkan ni Ater na tinatawag ding Ezequias 9822Ang angkan ni Hasum 32823Ang angkan ni Bezai 32424Ang angkan ni Harif 11225Ang angkan ni Gibeon 9526Mga Israelitang ang mga ninuno ay tumira sa mga sumusunod na bayan: Bethlehem at Netofa 18827mga taga-Anatot 12828mga taga-Bet-azmavet 4229mga taga-Kiriat-jearim, Quefira, at Beerot 74330mga taga-Rama at Geba 62131mga taga-Micmas 12232mga taga-Betel at Ai 12333mga taga-Nebo 5234mga taga-Elam 1,25435mga taga-Harim 32036mga taga-Jerico 34537mga taga-Lod, Hadid, at Ono 72138mga taga-Senaa 3,930
39Mga pari: Mga angkan ni Jedaias (mula sa pamilya ni Jeshua) 97340Mga angkan ni Imer 1,05241Mga angkan ni Pashur 1,24742Mga angkan ni Harim 1,017
43Mga Levita: Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavias) 74
44Mga mang-aawit sa Templo na mga angkan ni Asaf 148
45Mga tagapagbantay ng Templo na mula sa angkan nina Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Sobai 138
46Mga tagapaglingkod sa Templo: Mga angkan nina Ziha, Hasufa, Tabaot,47Keros, Sia, Padon,48Lebana, Hagaba, Salmai,49Hanan, Gidel, Gahar,50Reaias, Rezin, Nekoda,51Gazam, Uza, Pasea,52Besai, Meunim, Nefusesim,53Bakbuk, Hakufa, Harhur,54Bazlut, Mehida, Harsa,55Barkos, Sisera, Tema,56Nezias, at Hatifa.57Mga angkan ng mga alipin ni Solomon: Ang mga angkan nina Sotai, Soferet, Perida,58Jaala, Darkon, Gidel,59Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Amon.60Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga tagapaglingkod sa Templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.
61May mga bumalik din mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon at Imer. Ngunit hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita:62Sila ang mga nagmula sa angkan nina Delaias, Tobias, at Nekoda, 642 katao silang lahat.
63Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.)64Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng kanilang mga ninuno, hindi sila tinanggap bilang mga pari.65Sinabihan sila ng gobernador na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing inihandog sa Diyos hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng Urim at Tumim. 
66Ang kabuuang bilang ng mga lalaki mula sa pagkabihag ay 42,360,67hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7,337 at mga mang-aawit na lalaki at babae na 245.68May dala silang 736 na kabayo, 245 mola,69435 kamelyo, at 6,720 asno.
70“Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nag-ambag para sa muling pagpapatayo ng Templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, 50 mangkok, at 530 pirasong damit para sa mga pari.71Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay para sa ganitong gawain ng 168 kilong ginto at 1,200 kilong pilak.72Ang kabuuang ibinigay ng iba pang mga tao ay 168 kilong ginto, 1,100 kilong pilak, at 67 pirasong damit para sa mga pari.
73“Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa mga bayan na kung saan nagmula ang kanilang pamilya, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga tagapagbantay ng Templo, ang mga mang-aawit, at ang mga tagapaglingkod sa Templo.” Binasa ni Ezra ang Kautusan
Nang dumating ang ikapitong buwan, nang nakatira na ang mga Israelita sa mga bayan nila,

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3