Mga Hukom5
Ang Awit ni Debora
1Nang araw ding iyon, umawit si Debora at si Barak na anak ni Abinoam. Ito ang awit nila:2“Purihin ang Panginoon!Sapagkat ang mga pinuno ng Israel ay nangunang lumabanat kusang-loob na sumunod ang mga mamamayan.3“Makinig kayong mga hari at mga pinuno!Aawit ako ng mga papuri sa Panginoon,ang Diyos ng Israel!4“O Panginoon, nang umalis kayo sa Bundok ng Seir,at nang lumabas kayo sa lupain ng Edom,ang mundoʼy nayanig at umulan nang malakas.5Nayanig ang mga bundok sa harapan ng Panginoon, ang Diyos ng Bundok Sinai;oo, sa presensya ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.6“Nang panahon ni Shamgar na anak ni Anatat nang panahon ni Jael,walang dumadaan sa mga pangunahing lansangan.Ang mga naglalakbay doon ay dumadaansa mga liku-likong daan.7Walang nagnanais tumira sa Israel,hanggang sa dumating ka, Debora,na kinikilalang ina ng Israel.8Nang sumamba ang mga Israelita sa mga bagong diyos,sumiklab ang digmaan sa pinto ng bayan.Ngunit sa apatnapung libong Israelita,ni isang kalasag o sibat man lang ay walang nakita.9Nagagalak ang aking pusodahil sa mga pinuno ng Israelat sa mga Israelitang nagkusang makibahagisa digmaang ito.Purihin ang Panginoon!10“Kayong mayayamang nakasakay sa mga puting asnoat nakaupo sa magagandang upuan nito,at kayong mga mahihirap na naglalakad lang,makinig kayo!11Pakinggan nʼyo ang himigng mga mang-aawit sa mga balon.Isinasalaysay nila ang mga tagumpay ng Panginoonsa pamamagitan ng kanyang mamamayan sa mga nayon.“Pagkatapos, nagmartsa ang kanyang mga mamamayansa may pintuan ng lungsod na nagsasabing,12‘Gumising ka, Debora, gumising ka!Bumangon ka, at simulan mong umawit!Humayo ka, Barak na anak ni Abinoam;hulihin mo silaʼt iyong bihagin!’13“Ang mga natirang buháy na mga mamamayan ng Panginoonay kasama kong bumaba upang lusubinang mga kilala at mga makapangyarihang tao.14Ang iba sa kanilaʼy nanggaling sa Efraim,na nooʼy pinag-ugatan ng mga Amalekita. Sumunod sila sa lahi ni Benjaminat ang kanilang mga sundalo.Lumusob rin ang mga kapitan ng mga hukbo ng Maquir;mula sa lahi ni Zebulundumating ang mga namumuno.15Sumama rin ang mga pinuno ng lahi ni Isacarkina Debora at Barak papunta sa lambak.Ngunit ang lahi naman ni Ruben ay walang pagkakaisa,kaya hindi makapagpasya kung sasama sila o hindi.16O lahi ni Ruben, magpapaiwan na lang ba kayokasama ng mga tupa?Gusto nʼyo lang bang makinig sa pagtawagng mga tagapagbantay ng kanilang mga tupa?Wala talaga kayong pagkakaisa,kaya hindi kayo makapagpasyakung ano ang dapat ninyong gawin.17Nagpaiwan din ang lahi ni Gileadsa silangan ng Jordan,at ang lahi ni Dan namanay nagpaiwan sa trabaho nila sa mga barko.Ang lahi ni Asher naman ay nagpaiwansa tinitirhan nila sa tabi ng dagat.18Ngunit itinaya ng lahi nina Zebulun at Neftaliang kanilang buhay sa pakikipaglaban.19“Dumating ang mga haring Cananeoat nakipaglaban sa Taanac at nasa tabi ng Ilog ng Megido,ngunit kahit isang pilak ay wala silang sinamsam.20Hindi lang ang Israel ang nakipaglaban kay Sisera,kundi pati rin ang mga bituin.21Inanod sila sa Ilog Kison,ng rumaragasang agos, ng napakatagal nang ilog.Ngunit magpapakatatag akoat magpapatuloy sa pakikipaglaban nang may lakas.22At ngayon, maririnig ang yabagng mga paa ng mga kabayo.23Pagkatapos, sinabi ng anghel ng Panginoon,‘Sumpain ang Meroz!Sumpain kayong mga naninirahan ditodahil hindi kayo tumulong nang makipaglaban ang Panginoonsa mga makapangyarihang tao.’24“Higit na pinagpala si Jael na asawa ni Heber na Cineokaysa sa lahat ng babaeng nakatira sa mga tolda.25Nang humingi ng tubig si Sisera,gatas ang kanyang ibinigayna nakalagay sa mamahaling sisidlan.26Kinuha niya ang tulos ng tolda gamit ang kaliwang kamayat ang martilyo na pamukpok naman sa kaliwang kamay.Pinukpok niya sa ulo si Sisera,binasag ito at dinurog ang kanyang sentido.27At humandusay sa paanan niya si Sisera;bumagsak at bumulagta;at kung saan ito humandusaydoon ito namatay.28“Nakadungaw sa bintana ang ina ni Sisera;hindi mapakali at nagtatanong,‘Bakit hindi pa dumarating ang aking anak?Bakit hindi pa marinig ang tunog ng mga karwahe niya?’29Sumagot ang mga pinakamatalinosa kanyang mga kababaihan,at ito rin ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili,30‘Siguradong natagalan sila sa pangunguha at paghahati ng mga sinamsam;isa o dalawang babae para sa bawat sundalo,mga makukulay na damit para kay Sisera,at magagarang binurdang damit para sa akin.’31“Kaya malipol sanaang lahat ng kalaban mo, O Panginoon.Ngunit ang mga nagmamahal sa inyoʼymatulad sana sa pagsikat ng araw na sobrang liwanag.”At nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng apatnapung taon.Biblica, Inc.