Josue12
Ang mga Hari na Natalo sa Silangan ng Jordan
1Sinakop na ng mga Israelita ang mga lupain sa silangan ng Kapatagan ng Jordan, mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, kasama na rito ang lupain sa silangan ng Kapatagan ng Jordan. Ito ang mga hari sa mga lugar na natalo ng mga Israelita:Si Sihon na Amoreo na nakatira sa Hesbon. Sakop ng kaharian niya ang kalahati ng Gilead. Ito ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon, at mula sa gitna nito hanggang sa Ilog Jaboc, na siyang hangganan ng lupain ng mga Amonita.3Sakop din niya ang silangan ng Kapatagan ng Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Bet-jeshimot, sa silangan ng Dagat na Patay at hanggang sa timog sa ibaba ng libis ng Pisga.4Ang ikalawa ay si Haring Og ng Bashan. Isa siya sa mga naiwan na Refaimeo. Nakatira siya sa Astarot at sa Edrei.5Ang sakop ng kaharian niya ay ang Bundok ng Hermon, Saleca, ang buong Bashan hanggang sa hangganan ng Gesur at Maaca, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa hangganan ng Hesbon na sakop ni haring Sihon.6Tinalo sila ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng mga Israelita. Ibinigay ni Moises ang lupain ng mga ito sa lahi ni Ruben, Gad at sa kalahating lahi ni Manases bilang mana nila.
Ang mga Hari na Natalo sa Kanluran ng Jordan
7Sinakop din ni Josue at ng mga Israelita ang mga lupain sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal-gad sa Lambak ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halak na paahon sa Seir. Ibinigay ni Josue ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila. Hinati niya ito ayon sa bawat lahi nila. Ang mga lupaing ito ay ang mga kabundukan, mga kaburulan sa kanluran, ang Kapatagan ng Jordan, ang mga libis, ang disyerto sa timog, at ang Negeb. Tinirhan ito dati ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Heveo, at mga Jebuseo. Ito ang mga hari ng mga lugar na iyon na tinalo ni Josue at ng mga Israelita:9ang hari ng Jerico ang hari ng Ai (malapit sa Betel)10ang hari ng Jerusalem ang hari ng Hebron11ang hari ng Jarmut ang hari ng Laquis12ang hari ng Eglon ang hari ng Gezer13ang hari ng Debir ang hari ng Geder,14ang hari ng Horma ang hari ng Arad15ang hari ng Libna ang hari ng Adulam16ang hari ng Makeda ang hari ng Betel17ang hari ng Tapua ang hari ng Hefer18ang hari ng Afek ang hari ng Saron19ang hari ng Madon ang hari ng Hazor20ang hari ng Shimron Meron ang hari ng Acsaf21ang hari ng Taanac ang hari ng Megido22ang hari ng Kedes ang hari ng Jocneam (sa Carmel)23ang hari ng Dor (sa Nafot-dor) ang hari ng Goyim (sa Gilgal)24ang hari ng Tirza.Ang mga haring ito ay tatlumpuʼt isa lahat.
Biblica, Inc.