Jonas2

Nanalangin si Jonas

1Nanalangin si Jonas sa Panginoon na kanyang Diyos sa loob ng tiyan ng isda.2Sinabi niya,“Panginoon,sa paghihirap ng aking kaloobanat kalagayanhumingi ako ng tulong sa inyo,at sinagot nʼyo ako.Sa bingit ng kamatayan, humingi ako ng tulong sa inyo,at pinakinggan nʼyo ako.3Inihagis nʼyo akosa pusod ng dagat.Napalibutan ako ng tubigat natabunan ng mga alonna ipinadala ninyo.4Pinalayas nʼyo ako sa inyong harapan,ngunit umaasa pa rin akona makakalapit muli ako sa inyodoon sa inyong banal na Templo.5Lumubog po ako sa tubigat halos malunod.Natabunan ako ng tubigat napuluputan ang ulo kong mga halamang-dagat.6Lumubog ako hanggangsa pinakailalim ng dagat,at parang ikinulongsa kailalimanng lupa magpakailanman.Ngunit kinuha nʼyo akosa kailalimang iyon,O Panginoon kong Diyos.
7“Nang malapit na akong mamatay, tumawag ako sa inyo, Panginoon,at pinakinggan nʼyo ang dalangin kodoon sa inyong banal na Templo.
8“Ang mga taong sumasambasa mga walang kuwentangdiyos-diyosanay hindi na tapat sa inyo.9Ngunit maghahandog ako sa inyonang may awit ng pasasalamat.Tutuparin ko ang pangako kona maghahandog sa inyo.Kayo po, Panginoon,ang nagliligtas.”
10Kaya inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3