Jeremias22

Ang Parusa ng Panginoon sa mga Hari ng Juda

1Sinabi sa akin ng Panginoon, “Pumunta ka sa palasyo ng hari ng Juda at sabihin mo ito:2‘Pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon sa inyo, O hari ng Juda, na angkan ni David, kayong mga namamahala at mga mamamayang dumadaan sa mga pintuan dito.3Ito ang sinasabi ng Panginoon: Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Tulungan ninyo ang mga ninakawan, iligtas ninyo sila sa kamay ng mga taong umaapi sa kanila. Huwag ninyong pagmamalupitan o sasaktan ang mga dayuhan, ulila at mga biyuda. Huwag din kayong papatay ng mga taong walang kasalanan.4Kung susundin nʼyo ang mga utos kong ito, mananatiling maghahari sa Jerusalem ang angkan ni David. Ang hari, kasama ng kanyang mga pinuno at mga mamamayan ay paparada na nakasakay sa mga karwahe at kabayo na papasok sa pintuan ng palasyo.5Ngunit kung hindi nʼyo susundin ang mga utos kong ito, sabi ng Panginoon, isinusumpa ko sa aking sarili na mawawasak ang palasyong ito.’ ”
6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa palasyo ng hari ng Juda:“Para sa akin, ikaʼy kasingganda ng Gileado ng tuktok ng bundok ng Lebanon.Ngunit gagawin kitang parang disyerto,na tulad ng isang bayanna walang naninirahan.7Magpapadala ako ng mga taong wawasak sa iyo.Ang bawat isa sa kanilaʼymagdadala ng mga gamit na panggiba.Puputulin nila ang iyong mga haliging sedroat ihahagis sa apoy.
8“Ang mga taong galing sa ibaʼt ibang bansa na dadaan sa lungsod na ito ay magtatanungan, ‘Bakit kaya ginawa ito ng Panginoon sa dakilang lungsod na ito?’9At ito ang isasagot sa kanila, ‘Dahil itinakwil nila ang kasunduan nila sa Panginoon na kanilang Diyos, at sumamba sila at naglingkod sa mga diyos-diyosan.’ ”10Huwag kayong umiyak sa pagpanaw ni Haring Josias.Sa halip, umiyak kayo nang lubospara sa anak niyang si Jehoahazna pumalit sa kanya bilang hari ng Juda.Sapagkat binihag siyaat hindi na siya makakabalik pa.Kaya hindi na niya makikita pang muliang lupaing ito na kanyang sinilangan.
11Sapagkat ang Panginoon ang nagsabi nito kay Salum na tagapagmana ng kanyang ama na si Josias na hari ng Juda at hinuli bilang bihag: “Hindi na siya makakabalik.12Mamamatay siya sa lupain kung saan siya dinalang bihag. Hindi na niya makikita pang muli ang lupaing ito.”13Sinasabi ng Panginoon, “Kahabag-habag ka Jehoiakim,nagtayo ka ng iyong palasyosa masamang paraan,ang iyong mga silidsa paraang walang katarungan.Pinagtrabaho mo ang iyong kapwanang walang suweldo,at hindi mo sila binayaran.14Sinabi mo, ‘Magtatayo ako ng palasyongmay malalawak na silid sa itaas.Palalagyan ko ito ng malalaking bintanaat dingding ng tablang sedro.At pagkatapos,papipinturahan ko ng pula.’
15“Akala mo ba magiging dakila kang harikung magtatayo kang palasyong gawa sa sedro?Bakit ayaw mong sundin ang iyong ama?Matuwid at makatarunganang mga ginawa niya;kaya namuhay siya nang maunladat payapa ang kalagayan.16Ipinagtanggol niya ang karapatan ng mga dukhaat ng mga nangangailangan,kaya naging mabuti ang lahatpara sa kanya.Ganyan ang tamang pagkilala sa akin,”sabi ng Panginoon.17Ngunit ikaw, wala kang ibang hinahangadkundi ang makapandaya,pagpatay ng mga taong walang kasalanan,pang-aapi, at karahasan.
18Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol kay Haring Jehoiakim ng Juda, na anak ni Josias,“Walang magluluksa para sa kanyakapag namatay siya.Ang sambahayan niya, ang mga pinuno niyaat ang ibang mga taoay hindi magluluksa para sa kanya.Ang kanyang nasasakupanay hindi magluluksa sa kanya at magsasabing:Ang Panginoon koʼy pumanaw na!Naglaho na ang kanyang kadakilaan!19Ililibing siya katulad ng paglilibing sa patay na asno;kakaladkarin ang kanyang bangkayat itatapon sa labas ng pintuanng Jerusalem.”
20“Mga taga-Juda, umiyak kayodahil wala na kayongmga kakamping bansa.Hanapin ninyo sila sa Lebanon.Tawagin ninyo sila sa Bashan at Abarim.21Binigyan ko kayo ng babalanoong panatag pa kayo,ngunit hindi kayo nakinig sa akin.Talagang ganyan na ang ugali ninyomula noong bata pa kayo;hindi kayo sumusunod sa akin.22Kaya ikakalat ko ang mga pinuno ninyona tulad ng ipang tinatangay ng hangin,at bibihagin din ang mgakakampi ninyong bansa.Talagang mapapahiya kayodahil sa kasamaan ninyo.23Kayong mga nakatira sa palasyo ng Jerusalemna gawa sa kahoy na sedro mula sa Lebanon,kahabag-habag kayokapag dumating na sa inyoang paghihirap,na parang babaengnaghihirap sa panganganak.
24“Habang akoʼy nabubuhay,” sabi ng Panginoon, “itatakwil kita haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoiakim. Kahit na ikaw ay singsing sa aking kanang kamay, tatanggalin kita sa aking daliri.25Ibibigay kita sa mga nais pumatay sa iyo na kinatatakutan mo. Ibibigay kita kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga kawal niya.26Ikaw at ang iyong ina ay ipapatapon ko sa ibang bansa at doon kayo mamamatay.27At hindi na kayo makakabalik sa lupaing ninanais nʼyong balikan.28Jehoyakin, para kang basag na palayokna hindi na mapapakinabangan.Kaya itatapon ko kayo ng mga anak mosa bansang hindi ninyo alam.”29O lupain ng Juda, pakinggan moang salita ng Panginoon.30Sapagkat ito ang sinasabing Panginoon:“Isulat ninyo na ang taong itona si Jehoyakinna parang walang anak,sapagkat wala ni isa man sa kanyang mga anakang luluklok sa trono ni David bilang hari ng Juda.At hindi rin siya magtatagumpay sa kanyang pamumuno.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3