Jeremias20
Sina Jeremias at Pashur
1Ang paring si Pashur na anak ni Imer, ang pinakamataas na opisyal sa templo ng Panginoon nang panahong iyon. Nang marinig niya ang propesiya ni Jeremias,2pinabugbog niya ang propetang si Jeremias at ipinabilanggo sa may pintuan ng templo ng Panginoon na tinatawag na Pintuan ni Benjamin.3Kinaumagahan, pinalabas ni Pashur si Jeremias. Sinabi ni Jeremias sa kanya, “Pashur, pinalitan na ng Panginoon ang pangalan mo. Tatawagin ka na ngayong Magor Misabib. 4Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon: Katatakutan mo ang kalagayan mo at ang kalagayan ng lahat ng kaibigan mo. Makikita mo silang papatayin ng mga kaaway nila sa digmaan. Ibibigay ko ang buong Juda sa hari ng Babilonia. Ang ibang mamamayan ay papatayin, at ang iba namaʼy bibihagin.5Ipapasamsam ko sa mga kaaway ang lahat ng kayamanan ng lungsod ng Jerusalem – lahat ng pinaghirapan nila, lahat ng mamahaling bagay at ang lahat ng kayamanan ng hari ng Juda. Dadalhin nila ang lahat ng iyon sa Babilonia.6Pati ikaw Pashur at ang buong sambahayan mo ay bibihagin at dadalhin sa Babilonia. At doon ka mamamatay at ililibing, pati ang lahat ng kaibigan mo na hinulaan mo ng kasinungalingan.”Nagreklamo si Jeremias sa Panginoon
7Panginoon, nilinlang ninyo akoat nanaig kayo sa akin.Naging katatawanan ako ng mga taoat patuloy nila akong kinukutya.8Kapag nagsasalita ako,isinisigaw ko poang mensahe ninyo, Panginoon,na tungkol sa karahasanat pagkawasak!At dahil sa ipinasasabi ninyong ito,pinagtatawanan po nila akoat kinukutya.9Kung minsan, naiisip kong huwag na lang magsalitang tungkol sa inyoo sabihin ang ipinasasabi ninyo.Ngunit hindi ko po mapigilan,dahil ang mga salita ninyoay parang apoyna nagniningas sa aking pusoat mga buto.Pagod na ako sa kapipigil dito.10Narinig ko ang pangungutya ng mga tao.Inuulit nila ang mga sinasabi kong,“Nakakatakot ang nakapalibot sa atin!”Sinasabi pa nila, “Ipamalita natinang kanyang kasinungalingan!”Pati ang mga kaibigan koʼy naghihintayng aking pagbagsak.Sinasabi nila, “Baka sakalingmadaya natin siya.Kung mangyayari iyon,magtatagumpay tayoat mapaghihigantihan natin siya.”11Ngunit kasama ko po kayo, Panginoon.Kayo ay tulad ng matapangat makapangyarihang mandirigma,kaya hindi magtatagumpayang mga umuusig sa akin.Mapapahamak sila at mapapahiya,at kahit kailan, hindi makakalimutanang kanilang kahihiyan.12O Panginoon ng mga Hukbo,nalalaman po ninyo kung sino ang matuwidsapagkat alam ninyo ang nasa pusoat isip ng tao.Ipakita po ninyo sa akinang inyong paghihiganti sa kanilasapagkat ipinaubaya ko na posa inyo ang usaping ito.13Panginoon, magpupuriat aawit po ako sa inyo ngayonsapagkat iniligtas ninyoang mga nangangailanganmula sa kamay ng masasamang tao.14Ngunit isinusumpa koang araw na akoʼy isinilang!Hindi ko ikinagagalak ang arawna ipinanganak ako ng aking ina!15Isinusumpa ko ang nagbalita sa aking ama na,“Lalaki ang anak mo!”na siyang ikinagalak ng aking ama.16Nawa ang taong iyonay maging katulad ng mga bayangwinasak ng Panginoonat hindi kinahabagan.Nawaʼy maghapon niyang mapakingganang sigaw at daingng mga tao sa digmaan.17Sapagkat hindi niya ako pinataynoong akoʼy nasa sinapupunan pang aking ina.Sanaʼy naging libingan ko na langang tiyan ng aking ina,o di kayaʼy ipinagbuntisna lamang niya ako magpakailanman.18Bakit pa ako isinilang?Para lang ba makita ang kaguluhanat kahirapan,at mamatay sa kahihiyan?Biblica, Inc.