Jeremias18
1Ito ang mensaheng sinabi ng Panginoon kay Jeremias,2“Pumunta ka sa bahay ng magpapalayok at doon ko sasabihin sa iyo ang nais kong sabihin.”3Kaya pumunta ako sa bahay ng magpapalayok at nakita ko na gumagawa siya ng palayok.4Kapag hindi maganda ang hugis ng palayok na ginagawa niya, inuulit niya ito hanggang sa magustuhan niya ang hugis.5Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon,6“O mga mamamayan ng Israel, hindi ko ba magagawa sa inyo ang ginawa ng magpapalayok sa luwad na ito?” sabi ng Panginoon. “Kung papaanong ang luwad ay nasa kamay ng magpapalayok, kayo rin ay nasa mga kamay ko.7Kapag sinabi ko na ang isang bansa o kaharian ay babagsak at mawawasak,8at ang bansa o kahariang iyon ay tumigil sa paggawa ng masama, hindi ko na itutuloy ang balak kong pagwasak sa kanila.9At kapag sinabi ko naman na muling babangon at itatayo ang isang bansa o kaharian,10at ang bansa o kahariang iyon ay gumawa ng masama at hindi sumunod sa akin, hindi ko na itutuloy ang balak kong paggawa ng mabuti sa kanila.11“Kaya sabihin mo sa mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem na ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Makinig kayo! May binabalak akong kaparusahan para sa inyo. Kaya tumigil na kayo sa masasama ninyong pag-uugali. Ang bawat isa sa inyo ay magbago na ng ginagawa at pag-uugali.’12Ngunit sasagot ang mga tao, ‘Hindi maaari! Ipagpapatuloy pa rin namin ang aming gusto; susundin namin ang nais ng matitigas at masasama naming puso.’ ”13Kaya ito ang sinabi ng Panginoon,“Tanungin ninyo sa ibang mga bansakung may narinig na silangganitong pangyayari?Ang mga mamamayan ng Israelay nanatili sanang isang birhen,ngunit kasuklam-suklamang mga bagay na ginawa nila!14Natutunaw ba ang yelosa mababatong bundok ng Lebanon?Natutuyo ba ang malalamigna batis doon? Hindi!15Ngunit ang aking mga mamamayanay nakalimot na sa akin.Nagsusunog sila ng insensosa mga walang kuwentang diyos-diyosan.Iniwan nila ang tama at dating daan,at doon sila dumaan sa daanghindi mabuti kung saan silaʼy nadapa.16Kaya magiging malungkotang kanilang lupainat hahamakin magpakailanman.Ang lahat ng dumadaanay mapapailing at mangingilabot.17Ikakalat ko sila sa harap ng kanilang mga kaawayna parang alikabok na tinatangayng hangin mula sa silangan.Tatalikuran ko silaat hindi ko sila tutulungansa araw na lilipulin na sila.”18Pagkatapos, sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng paraan upang mapatigil natin si Jeremias! May mga pari rin tayong magtuturo sa atin ng kautusan, at may mga pantas din tayong magpapayo sa atin, at mga propetang magpapahayag sa atin ng mensahe ng Diyos. Kaya gumawa tayo ng mga kuwento laban sa kanya at huwag na nating pakinggan ang mga sinasabi niya.”19Kaya nanalangin ako: “O Panginoon,tulungan po ninyo ako!Pakinggan po ninyoang paratang ng aking mga kaaway.20Mabuti po ang aking ginagawa sa kanilapero masama ang iginaganti nila sa akin.Humukay po sila upang akoʼy mahulogsa hukay na iyon,kahit na dumulog ako sa inyo at nanalanginna huwag nʼyo silang parusahandahil sa galit nʼyo sa kanila.21Ngunit ngayon, pabayaan po ninyong mamataysa gutom at digmaan ang kanilang mga anak.Pabayaan ninyong mabiyuda ang mga babaeat mawala ang kanilang mga anak.Pabayaan ninyo pong mamataysa sakit ang mga lalaki sa kanilaat ang mga kabataang lalakisa digmaan.22Hayaan ninyo silang mapasigaw sa takotkapag ipinasalakay ninyo sa mga kaawayang kanilang mga bahay.Sapagkat naghanda po sila ng hukayupang akoʼy mahulog doon,at naglagay sila ng bitagupang akoʼy mahuli.23Ngunit alam nʼyo po Panginoon ang lahat ng plano nilang pagpatay sa akin.Kaya huwag ninyo silang patawarinsa kanilang mga kasalananat kasamaan.Hayaan ninyo silang matalo ng kanilang mga kaawayhabang kayoʼy nakatingin.Iparanas ninyo sa kanila ang inyong galit.”
Biblica, Inc.