Jeremias12

Ang mga Reklamo ni Jeremias

1Panginoon, palaging makatarungan ang inyong tugon,sa tuwing akoʼy dumaraing.Ngunit ngayon, ako ay may tanongtungkol sa inyong katarungan:Bakit po umuunlad ang masasamang tao?Bakit po mapayapa ang buhayng mga taong taksil sa inyo?2Pinagpapala ninyo silatulad ng punongkahoy na nag-uugat, lumalago, at namumunga.Pinupuri nila kayo sa kanilang mga bibigngunit hindi ito galing sa kanilang puso.3Ngunit kilala ninyo ako Panginoon.Nakikita ninyo ang aking mga ginagawaat alam ninyo kung anoang nasa puso ko.Kaladkarin ninyo ang mga taong itona tulad ng mga tupapatungo sa katayan.Ibukod po ninyo sila upang katayin.4Hanggang kailan po kayaang pagkatuyo ng lupaat ang pagkalanta ng mga damo?Namamatay na po ang mga hayopat mga ibondahil sa kasamaan ng mga tao sa lupaing ito.Sapagkat sinasabi pa nila,“Walang pakialam ang Diyossa sasapitin natin.”

Ang Tugon ng Panginoon

5Sinabi ng Panginoon,“Jeremias, kung napapagod kasa pakikipaghabulan sa mga tao,di lalo na sa mga kabayo?Kung nadadapa ka sa lugar na patag,di lalo na sa kagubatangmalapit sa Ilog Jordan?6Kahit na ang iyong mga kapatidat kamag-anak ay nagtaksil sa iyo.Nagbalak sila ng masama laban sa iyo.Huwag kang magtiwala sa kanilakahit na mabuti ang sinasabi nila.
7“Itatakwil ko ang mga mamamayan ko, ang bansang pag-aari ko.Ibibigay ko ang minamahal ko,ang aking mga mamamayan,sa kanilang mga kaaway.8Lumaban sila sa akinna parang leonna umaatungal sa kagubatan,kaya akoʼy nagalit sa kanila.9Naging kasuklam-suklam sila sa akinna parang ibong mandaragit.At sila mismoʼy napapalibutanng mga ibong mandaragit.Titipunin ko ang mababangis na hayopupang kainin sila nito.10Wawasakin ng maraming pinuno ang Judana itinuturing kong aking ubasan.Tatapak-tapakan nila itongmagandang lupain at gagawing ilang.11Gagawin nila itong malungkot na lugarat magiging walang kabuluhan sa akin.Magiging ilang ang lupaing ito,dahil wala nang magmamalasakit dito.12Darating ang mga mangwawasaksa lugar na ilang.Gagamitin sila Panginoonbilang espadana wawasak sa buong lupain,at walang makakatakas.13Magtatanim ng trigo ang mga mamamayan ko,ngunit aani sila ng tinik.Magtatrabaho sila nang hustopero wala silang pakikinabangan.Mag-aani sila ng kahihiyandahil sa matinding galitng Panginoon.”
14Sinabi pa ng Panginoon, “Ito ang gagawin ko sa lahat ng masasamang bansa sa palibot ng Israel na sumira ng lupaing ibinigay ko sa mga mamamayan ko: Palalayasin ko sila sa lupain nila katulad ng pagpapalayas ko sa mga taga-Juda sa lupain nito.15Ngunit sa bandang huli, kahahabagan ko ulit ang mga bansang ito at ibabalik ko sila sa sarili nilang lupain.16At kung tatanggapin nila nang buong puso ang pananampalataya ng mga mamamayan ko at kung susumpa sila sa pangalan ko, na nagsasabing, ‘Habang buháy ang Panginoon,’ gaya ng itinuro nila sa mga mamamayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal, magiging kabilang din sila sa mga mamamayan ko.17Ngunit ang alinmang bansa na hindi susunod sa akin ay palalayasin ko sa kanilang lupain at lilipulin,” sabi ng Panginoon.

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3