Isaias38

Nagkasakit si Ezequias

1Nang panahong iyon, nagkasakit si Ezequias na halos ikamatay niya. Pumunta sa kanya si Propeta Isaias na anak ni Amoz at sinabi, “Sinabi ng Panginoon na magbilin ka na sa sambahayan mo dahil hindi ka na gagaling, mamamatay ka na.”
2Nang marinig ito ni Ezequias, humarap siya sa dingding at nanalangin sa Panginoon.3Sinabi niya, “Panginoon, alalahanin po ninyo kung papaano ako namuhay nang tapat at buong pusong naglingkod sa inyo at kung papaano ako gumawa ng mabuti sa paningin ninyo.” At umiyak si Ezequias ng husto.
4Sinabi ng Panginoon kay Isaias5na bumalik siya kay Ezequias at sabihin ito: “Sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng iyong ninunong si David: Narinig ko ang iyong dalangin at nakita ko ang mga luha mo. Dadagdagan ko pa ng labinlimang taon ang buhay mo.6Ililigtas kita pati ang lungsod na ito sa hari ng Asiria. Ipagtatanggol ko ang lungsod na ito.7Ito ang tanda na ibibigay ng Panginoon upang patunayang gagawin niya ang kanyang ipinangako:8Pababalikin ko ng sampung guhit ang anino ng araw sa orasang ipinagawa ni Ahaz.” At nangyari nga ito.
9Ito ang isinulat ni Haring Ezequias ng Juda nang gumaling siya sa kanyang sakit:10Akala koʼy mamamatay na akosa panahon ng aking kabataan,at mananatili sa lugar ng mga patay.11Akala koʼy hindi ko na makikitaang Panginoon ditosa mundo ng mga buháyo hindi ko na makikitaang mga tao rito sa mundo.12Tulad ng tolda ng pastol,ang aking tirahanay tinanggal sa kinalalagyanat kinuha sa akin.Tulad ng manghahabing iginulong na ang tela,para ko na ring tinapos ang buhay ko,at para rin akong nakabiting sinulidna pinutol mo sa habihan.Araw at gabiʼy winawakasan moang aking buhay.13Buong pagpapakumbaba akongnaghintay hanggang umagasa pag-aakalang akoʼy mamamatay na.Parang nilalansag ng leonang aking mga butokaya akala koʼy wawakasan mo naang buhay ko.14Humingi ako ng tulonghanggang sa ang tinig koʼypara nang huni ng langay-langayano ng tagak.Dumaing ako na parang tinig na ng kalapati.Ang mga mata koʼy pagod na rinng katititig sa itaas.Panginoon, tulungan nʼyo po akosa kahirapang ito.
15Ngunit ano pa ang masasabi ko?Sapagkat sinagot niya ako at pinagaling.Mamumuhay ako nang may kababaandahil sa mapait kong karanasan.16Panginoon, sa ginawa nʼyo pong ito,mapapalakas nʼyo ang loob ng tao,at ako mismo napalakas ninyo.Pinagaling nʼyo akoat pinayagan pang mabuhay.17Totoong ang mga kahirapang aking tiniisay para rin sa aking kabutihan.Dahil sa pag-ibig nʼyo, iniligtas nʼyo akomula sa kapahamakanat ang aking mga kasalananay inyong tinalikuran.18Sapagkat papaano paakong makakapagpuri sa inyokung akoʼy patay na?Ang mga patayay hindi makakapagpuri sa inyoo makakaasa mansa inyong katapatan.19Ang mga buháy lamangang makakapuri sa inyokatulad ng ginagawa ko ngayon.Ang bawat henerasyonay magpapahayagsa susunod na henerasyontungkol sa inyong katapatan.
20Panginoon, iniligtas nʼyo po ako,kaya aawit kami sa saliw ng kuwerdas,sa inyong Templohabang kami ay nabubuhay.
21Noong hindi pa gumagaling si Ezequias, sinabi sa kanya ni Isaias na patapalan niya sa kanyang mga katulong ng dinikdik na bunga ng igos ang bukol niya upang gumaling ito.22Nagtanong si Ezequias, “Ano ang palatandaan na magpapatunay na ako ngaʼy gagaling at makakapunta sa Templo ng Panginoon?”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3