Hoseas2
1“Kaya tawagin ninyo ang inyong kapwa Israelita na ‘Aking mga mamamayan’ at ‘Kinaawaan.’
Pinarusahan at Pinanumbalik ang Israel
2“Mga anak, pagsabihan ninyoang inyong ina,sapagkat hindi na akoang kanyang asawanang akoʼy iniwan niya.Pagsabihan ninyo siyapara itigil na niyaang pangangalunyaat talikuran ang imoralna pamumuhay niya.3Kung hindi,huhubaran ko siyaʼt ilalantad,gaya noong siya ay isinilang.Gagawin ko siyang tigangkatulad ng disyerto o ilang,at pababayaang mamatay sa uhaw.4At kayong mga anak niyaʼyhindi ko kahahabagan,dahil mga anak kayo ng babaeng bayaran.5Nakakahiya ang ginagawang inang nagsilang sa inyo.Sinabi pa niya,‘Hahabulin ko ang mga lalakingnagbibigay sa akin ng pagkain, tubig,telang lana at lino, langis, at inumin.’6Kaya babakuran ko siyang mga matitinik na halamanupang hindi siya makalabas.7Habulin man niya ang kanyang mga lalaki,hindi niya sila maaabutan.Hahanapin niya silangunit hindi niya rin makikita.Pagkatapos, sasabihin niya,‘Babalik na lang ako sa aking asawasapagkat higit na mabutiang kalagayan ko noonsa piling niya kaysa sa ngayon.’8Hindi niya napagtantona ako ang nagbigaysa kanya ng mga ito:mga butil, bagong alak, at langis;binigyan ko pa siya ng pilak at ginto.Ngunit ibinigay niyaang lahat ng itokay Baal na kanyang diyos-diyosan.9“Kaya pagdating ng tag-aniay babawiin ko ang mga butilat ang bagong alak na aking ibinigay.Babawiin ko rin ang mga telang lanaat linong ibinigay kona sanaʼy pantakipsa kanyang kahubaran.10At ngayon,ilalantad ko ang kanyang kahalayansa harap ng kanyang mga lalaki,at walang makapagliligtas sa kanyamula sa aking mga kamay.11Wawakasan ko na ang lahatng espesyal na Araw ng Pagsambana ginagawa niya taon-taon,buwan-buwan, at linggo-linggo. 12Sisirain ko ang mga ubasan niyaat mga puno ng igosna ibinayad daw sa kanyang kanyang mga lalaki.Gagawin ko itong parang gubatat kakainin ng mga mababangis na hayopsa gubat ang mga bunga nito.13Parurusahan ko siyadahil may mga panahongnagsusunog siyang mga insenso sa diyos-diyosang si Baal.Nagsuot siya ng mga alahasat humabol sa kanyang mga lalaki,akoʼy kanyang kinalimutan,”sabi ng Panginoon.14“Ngunit masdan mo,siya ay aking susuyuin.Dadalhin ko siya sa ilangat dooʼy kakausapin ko nang malambing.15Ibabalik ko sa kanya ang mga ubasan,at ang Lambak ng Acor ay gagawin kong daananna magpapaalala ng magandang kinabukasan.At sasagutin niya ako katulad ng ginawa niyanoong panahon ng kanyang kabataan,noong kinuha ko siya sa lupain ng Ehipto.”16Sinabi ng Panginoonsa mga Israelita,“Sa araw ng inyong pagbabalik sa akin,tatawagin na ninyo ako na inyong asawaat hindi na ninyo ako tatawaging Baal. 17Hindi ko na hahayaang banggitin ninyoang mga pangalan ni Baal.18Sa araw na iyon,makikipagkasundo akosa lahat ng uri ng hayopupang hindi nila kayo sasaktan.Aalisin ko sa lupain ng Israelang lahat ng sandatatulad ng mga pana at espada.At dahil wala nang digmaan,matutulog kayong ligtas at payapa.19Ituturing ko kayong asawa magpakailanman.Gagawin ko sa inyo ang matuwid at tama.Mamahalin ko kayo at kaaawaan.20Itatalaga ko sa inyo ang aking sarilinang buong katapatan,at kikilalanin na ninyo akobilang Panginoon.21“Sa araw na iyon,sasagutin koang mga dalangin ninyo,”sabi ng Panginoon.“Magpapadala ako ng ulanupang tumubo sa lupa22ang mga trigo, ubas,at mga olibopara sa inyona tinatawag na Jezreel.23Patitirahin ko kayo sa inyong lupainbilang mga mamamayan ko.Kaaawaan ko si Lo Ruhama, at tatawagin kong aking mamamayansi Lo Ami. At sasabihin ninyong akoang inyong Diyos.”Biblica, Inc.