Mga Hebreo1
Ang Salita ng Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Anak
1Noong una, nangusap ang Diyos sa mga ninuno natin sa ibaʼt ibang panahon at sari-saring paraan sa pamamagitan ng mga propeta.2Ngunit sa mga huling araw na ito, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan niya ay nilikha ng Diyos ang buong sanlibutan, at siya rin ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay.3Sa Anak nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Umupo siya sa kanan ng Kataas-taasang Diyos doon sa langit matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan.4Ipinapakita nitong higit na dakila ang Anak ng Diyos kaysa sa mga anghel at higit na dakila ang pangalan niya kaysa sa kanila.Nakahihigit ang Anak ng Diyos sa mga Anghel
5Sapagkat kailanmaʼy wala ni isa man sa mga anghel ang sinabihan ng Diyos ng ganito:“Ikaw ang aking Anak,at ngayon, ako na ang iyong Ama.” At wala ring sinumang anghel na sinabihan ang Diyos ng ganito:“Akoʼy magiging Ama niya,at siyaʼy magiging Anak ko.” 6At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang kaisa-isang Anak sa mundo, sinabi niya,“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.” 7Ito ang sinabi ng Diyos tungkol sa mga anghel:“Ginagawa niyang hanginang kanyang mga anghel,at nagliliyab na apoyang kanyang mga utusan.” 8Ngunit ito naman ang sinabi ng Diyos tungkol sa kanyang Anak:“O Diyos, ang kaharian moay magpakailanman.Ang paghahari moay makatarungan.9Kinalulugdan moang gumagawa ng matuwidat kinamumuhian moang gumagawa ng masama.Kaya pinili ka ng Diyos,na iyong Diyos,at binigyan ng kagalakanghigit sa ibinigay niyasa mga kasama mo.” 10At sinabi pa niya,“Panginoon, nang pasimula paʼynilikha mo ang sanlibutanat ikaw rin ang lumikha ng kalangitan.11Ang lahat ng ito ay may katapusan,ngunit ikaʼy mananatili magpakailanman.Sapagkat tulad ng damit na kumukupas,ang mga ito ay lilipas.12Ang mga itoʼy parang balabalna iyong titiklupin,at tulad ng damitang mga itoʼy iyong papalitan.Ngunit ikaʼy hindi magbabago,at mananatiling buháy magpakailanman.” 13Kailanmaʼy hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel:“Umupo ka rito sa aking kananhanggang sa gawin kong iyong apakanang iyong mga kalaban.” 14Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Diyos, at sinusugo niya upang tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan.Biblica, Inc.