Genesis49
Binasbasan ni Jacob ang Kanyang mga Anak
1Pagkatapos, tinawag ni Jacob ang mga anak niyang lalaki, at sinabi, “Lumapit kayo rito at sasabihin ko sa inyo kung ano ang mangyayari sa inyo sa darating na panahon.2Lumapit kayo, mga anak ni Jacob;makinig kayo sa inyong amang si Israel.3“Ikaw, Ruben, na aking panganay,ang aking lakas at bunga ng aking pagkalalaki.Nangunguna ka sa karangalanat nangunguna rin sa kapangyarihan.4Maligalig kang gaya ng tubigat hindi ka mapigilankaya hindi na ikaw ang nasa unahan.Sapagkat dinumihan mo ang aking higaanat ang aking dangal ay iyong dinungisan.5“Sina Simeon at Levi ay magkakampi, ang mga espada nilaʼy sandata ng kalupitan.6Hindi ako sasáma ni dadalosa pagtitipon nilasapagkat sa kanilang galitay pumapatay sila ng mga taoat pinipilayan nila ang mga torokapag gusto nila.7Sinusumpa ko ang kanilang galit,dahil itoʼy malupit,at ang kanilang poot,dahil itoʼy mabagsik.Ikakalat ko sila sa angkan ni Jacob,at magkakawatak-watak sila sa buong Israel.8“Ikaw Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid.Ang iyong mga kaaway ay hahawakan mo sa leeg.Ang mga anak ng iyong amaʼy yuyuko saʼyo.9Juda, aking anak,katulad ka ng isang batang leonna katatapos lang lumapa ng kanyang pagkain.Katulad si Juda ng leong gumagapang at humihiga,gaya ng babaeng leonna walang nagtatangkang gumambala.10Ang setro ng hariay hindi mawawala kay Juda;at ang tungkod ng pamamahalaay mananatili sa lahi niyahanggang sa dumating ang karapat-dapat mamunoat susunod sa kanya ang lahat ng bansa.11Itatali niya ang kanyang asnoat guya sa pinakamagandang puno ng ubas,at lalabhan niya sa alak ang kanyang mga damit12Mas mapula pa kaysa sa alakang kanyang mga mataat mas maputi kaysa sa gatasang mga ngipin niya.13“Si Zebulun ay maninirahan sa tabi ng dagat.Magiging daungan siyang mga sasakyang pandagat.Ang lupain niya ay aabot hanggang Sidon.14“Si Isacar ay katulad ng malakas na asnona nakahiga sa kulungan ng mga tupa. 15Nang makita niyang masaganaat mainam ang kanyang lupaintitiisin na lang niyang magpaalipin,kahit pa siyaʼy sapilitang pagtatrabahuhin.16“Si Dan ang magdadala ng katarungan sa kanyang bayanbilang isa sa mga angkan ni Israel.17Siyaʼy magiging isang ahas sa tabi ng daan,isang mabagsik na ulupong na nasa daanan,na tumutuklaw sa paa ng kabayong dumaraanupang mahulog ang ditoʼy nakasakay.18“O Panginoon, naghihintay po ako sa inyong pagliligtas.19“Si Gad ay lulusubin ng grupo ng mga tulisan,ngunit gaganti siyaʼt lulusubin din sila.20“Si Asher ay magiging sagana sa pagkain,at magbibigay ng mga pagkaing angkop sa hari.21“Si Neftali ay tulad ng pinakawalang usana manganganak ng mga supling na magaganda.22“Si Jose ay tulad ng mabungang sanga,tulad ng mabungang baging sa tabi ng bukalna gumagapang paakyat sa pader. 23Kaiinisan siya ng mga mamamana.Sa kanilang galit siyaʼy papanain nila.24Ngunit matatag pa rin ang kanyang pana,nanatiling matibay ang kamay niya,dahil sa tulong ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob,ang Pastol at ang Batong kanlungan ng Israel.25Ang Diyos ng iyong amaang siyang tutulong sa iyo.Ang Diyos na Makapangyarihan ang magpapala sa iyong ulan mula sa langitat tubig mula sa kailaliman ng lupa.Pagpapalain ka rin niya ng maraming anak at hayop.26Ang pagpapala ng iyong ama ay higit pasa pagpapala ng mga bundok noong sinauna,o sa mga yamang mula sa burol na matatanda na.Nawaʼy manatili itong lahat sa ulo ni Josena siyang nakahihigit sa magkakapatid.27“Si Benjamin ay tulad ng isang lobong gutom na gutom;sa umagaʼy nilalapa ang kanyang nahuliat sa gabi namaʼy ang mga nasamsam ay pinaghahatian.”28Sila ang labindalawang anak ni Jacob na pinanggalingan ng mga lahi ng Israel. At iyon ang huling habilin ni Jacob sa bawat isa sa kanila. Biniyayaan niya ang bawat isa ng basbas na angkop sa kanila.Ang Pagkamatay ni Jacob
29Pagkatapos, binilinan ni Jacob ang mga anak niya. Sinabi niya, “Ngayon, sandali na lang at makakasama ko na sa kabilang buhay ang aking mga ninuno. Ilibing nʼyo ako sa libingan ng aking mga magulang, doon sa kuweba na nasa bukid ni Efron na Heteo.30Ang kuwebang iyon ay nasa bukid ng Macpela, sa silangan ng Mamre na sakop ng Canaan. Binili ng lolo kong si Abraham ang bukid na iyon kay Efron na Heteo upang gawing libingan.31Doon siya inilibing pati ang lola kong si Sara at ang mga magulang kong sina Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea.32Ang bukid at ang kuweba nito ay binili sa mga Heteo.”33Pagkatapos magbilin ni Jacob sa kanyang mga anak, siya ay nahiga at nalagutan ng hininga. At isinama siya sa kanyang mga ninuno na sumakabilang buhay na.Biblica, Inc.