Ezekiel7
Malapit na ang Katapusan ng Israel
1Sinabi sa akin ng Panginoon:2“Anak ng tao, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi sa bansang Israel:‘Ito na ang katapusanng buong lupain ng Israel.3Katapusan na ninyo,dahil ipaparamdam ko na ang galit ko.Hahatulan ko kayo ayon sa pamumuhay ninyoat pagbabayarin ko na kayoayon sa lahat ng kasuklam-suklamna ginawa ninyo.4Hindi ko na kayo kahahabagan.Hindi ko kayo pagbibigyan.Hahatulan ko kayosa inyong pamumuhayat sa inyong kasuklam-suklam na ginawa.Kaya malalaman ninyo na ako ang Panginoon.’5“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi:‘Darating sa inyoang sunod-sunod na kapahamakan.6Ito na ang wakas!Ito na ang katapusan ninyo!7Kayong mga nakatira sa lupain ng Israel,dumating na sa inyo ang kapahamakan.Malapit na ang oras na magkakagulo kayo.Tapos na ang maliligayang araw ninyosa mga kabundukan.8Hindi magtatagal at ipaparamdam kona sa inyo ang matindi kong galit.Hahatulan ko kayo ayon sa inyong pamumuhay,at pagbabayarin ko kayosa inyong mga kasuklam-suklamna ginawa.9Hindi ko kayo kahahabagan;hindi ko kayo pagbibigyan.Pagbabayarin ko kayo ayonsa inyong pamumuhayat sa mga kasuklam-suklamna ginawa ninyo.At ditoʼy malalaman ninyong ako,ang Panginoon,ang nagparusa sa inyo.10“ ‘Malapit na ang araw ng pagpaparusa.Darating na ang kapahamakan.Sukdulan na ang kasamaanat kayabangan ng mga tao.11Ang kalupitan nilaʼy babalik sa kanilabilang parusa sa kanilang kasamaan nila.Walang matitira sa kanila,pati ang lahat ng kayamanan nilaay mawawala.12Oo, malapit na ang araw ng pagpaparusa.Hindi na ikatutuwang mga mamimili ang natipid nilaat hindi na rin malulungkotang mga naluging nagbebenta,dahil mararanasanng lahat ang aking galit.13Kung may mga nagbebenta mang makakabawi,hindi na sila makakabalik sa pagtitindasapagkat ang mga sinabi kotungkol sa buong bansa ng Israelay hindi na mababago.Hindi maililigtas ng bawatgumagawa ng kasamaanang kanyang buhay.14“ ‘Kahit na hipan pa nila ang trumpetaupang ihanda ang lahat sa pakikipaglaban,wala ring pupunta sa digmaan,dahil mararanasan ng lahat ang galit ko.15Ang sinumang lalabas ng lungsoday mamamatay sa digmaan.Ang mananatili naman sa loob ng lungsoday mamamatay sa sakit at gutom.16Ang mga makakaligtas sa kamatayanat tatakas papunta sa mga bundokay iiyak doon na parang huni ng kalapati,dahil sa kani-kanilang kasalanan.17Manghihina ang mga kamay nilaat mangangatog ang kanilang mga tuhod.18Magsusuot sila ng damit na sakoat aahitin ang kanilang buhokupang ipahayag ang kanilangpagdadalamhati.Takot at kahihiyanang makikita sa mukha nila.19“ ‘Itatapon nila sa mga lansanganang mga pilakat ginto nila na parang maruruming bagay.Hindi sila maililigtas ng mga itosa araw ng paghatol ng Panginoon.Hindi rin nila ito makakain upang mabusog silasapagkat ito ang dahilankung bakit sila nagkasala.20Ipinagmamalaki nila ang kanilangmga naggagandahan hiyasna siyang ginamit nilaupang gumawa ng mga kasuklam-suklamna diyos-diyosan.Kaya gagawin kong marumiang mga bagay na ito para sa kanila.21Ipapasamsam ko ito sa masasamang dayuhanat itoʼy kanilang dudungisan.22Pababayaan kong lapastanganin nilaat nakawan ang aking Templo.Papasukin at lalapastanganin itong mga magnanakaw.23“ ‘Bibihagin ang aking mga mamamayandahil puro patayanat puno ng karahasanang kanilang lungsod.24Dadalhin ko ang pinakamasasamang bansaupang sakupin ang kanilangmga tahanan.Tatapusin ko ang pagmamataasng kanilang mga makapangyarihang tao, at ipalalapastangan koang mga sambahan nila.25Darating sa kanila ang takotat hahanapin nila kapayapaanngunit hindi nila ito matatagpuan.26Darating sa kanila ang sunod-sunod na panganibat masasamang balita.Magtatanong sila sa mga propeta,pero wala silang matatanggapna kasagutan.Magpapaturo sila sa mga pariat hihingi ng payo sa mga tagapamahala,pero hindi sila tuturuan at papayuhan.27Magdadalamhati ang hariat mawawalan ng pag-asaang kanyang mga tagapamahala.Ang mga taoʼy manginginig sa takot.Parurusahan ko sila ayonsa kanilang pamumuhay.Hahatulan ko silakung paano nila hinatulan ang iba.At malalaman nila na ako ang Panginoon.’ ”Biblica, Inc.