Ezekiel30

Isang Panaghoy Tungkol sa Ehipto

1Sinabi ng Panginoon sa akin:2“Anak ng tao, sabihin mo ang ipinasasabi ko sa mga taga-Ehipto. Sabihin mong: Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon:‘Umiyak kayo nang malakasdahil sa kapahamakang darating sa inyo.3Sapagkat malapit nang dumatingang araw na iyon,ang araw ng paghatol ng Panginoon.Magiging maulap ang araw na iyon,oras ng kadiliman para sa mga bansa.4Sasalakayin ang Ehiptoat maghihirap ang Etiopia. Maraming mamamatay na taga-Ehipto,sasamsamin ang mga kayamanan nilaat wawasakin ito.
5Sa digmaang iyon, mapapatay ang maraming taga-Etiopia, Put, Lydia, Arabia, Libya at iba pang mga bansang kakampi ng Ehipto.
6“ ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon:Mapapahamak ang mga kakampi ng Ehiptoat mababalewala ang kanyangipinagmamalaking kapangyarihan.Mamamatay ang kanyang mga mamamayanmula sa Migdol hanggang sa Aswan. 7Magiging tiwangwang ang Ehiptosa lahat ng bansaat ang kanyang mga lungsodang magiging pinakawasaksa lahat ng mga lungsod.8Malalaman nila na ako ang Panginoonkapag sinunog ko na ang Ehiptoat mapuksa ang lahat ng kanyang kakampi.
9“ ‘Sa panahong iyon, magsusugo ako ng mga tagapagbalita na sasakay sa mga barko upang takutin ang mga taga-Etiopia na hindi nababahala. Matatakot sila sa oras na mawasak ang Ehipto, at ang oras na iyon ay tiyak na darating.
10“ ‘Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon:Gagamitin ko si Nebucadnezar,ang hari ng Babiloniaupang patayinang mga mamamayan ng Ehipto.11Siya at ang kanyang mga sundalo,na siyang pinakamalulupit na sundalosa lahat ng mga bansaang ipapadala ko sa Ehipto upang wasakin ito.Makikipagdigmaan sila ditoat kakalat ang mga bangkay sa buong lupain.12Patutuyuin ko ang Ilog Niloat ipapasakop ko ang Ehiptosa masasamang tao.Wawasakin ko ang buong bansa ng Ehiptoat ang lahat ng naroonsa pamamagitan ng mga dayuhan.Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
13“ ‘Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon:Wawasakin ko ang mga diyos-diyosanat sisirain ko ang mga imahe sa Memfis. Wala nang mamumuno sa Ehiptoat tatakutin koang mga mamamayan nito.14Gagawin kong tiwangwang ang Patros,susunugin ko ang Zoanat parurusahan ko ang Tebes. 15Ibubuhos ko ang galit ko sa Pelosium, ang matibay na tanggulan ng Ehipto,at lilipulin ko ang maraming taga-Tebes.16Susunugin ko ang Ehipto;magtitiis ng hirap ang Pelosium.Mawawasak ang Tebes,at laging matatakot ang Memfis.17Mamamatay sa digmaanang mga kabataang lalaking Heliopolis  at Bubastis, at ang mga matitirang taosa mga lungsod na itoay bibihagin bilang mga alipin.18Kapag inalis ko naang kapangyarihan ng Ehipto,magiging madilim ang arawna iyon para sa Tapanhes.Mawawala na ang ipinagmamalakingkapangyarihan ng Ehipto.Matatakpan siya ng ulap,at ang mga mamamayansa kanyang mga lungsod ay bibihagin.19Ganyan ang magiging parusa kosa Ehiptoat malalaman ng kanyang mga mamamayanna ako ang Panginoon.’ ”

Nabali ang mga Braso ng Faraon

20At noong ikapitong araw ng unang buwan, nang ikalabing-isang taon ng aming pagkabihag, sinabi ng Panginoon sa akin:21“Anak ng tao, binali ko ang braso ng Faraon na hari ng Ehipto. Walang gumamot sa kanya upang gumaling at lumakas upang muling makahawak ng espada.22Kaya sabihin mo sa kanya na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing laban ako sa Faraon ng Ehipto. Babaliin ko ang isa pa niyang braso upang mabitawan niya ang kanyang espada.23Ikakalat ko ang mga taga-Ehipto sa ibaʼt ibang bansa.24Palalakasin ko ang mga braso ng hari ng Babilonia at pahahawakan ko sa kanya ang aking espada. Ngunit babaliin ko ang mga braso ng Faraon, at dadaing siyang sugatan at halos mamatay na sa harap ng hari ng Babilonia.25Palalakasin ko ang mga braso ng hari ng Babilonia, pero gagawin kong inutil ang mga braso ng Faraon. Kapag ipinahawak ko ang aking espada sa hari ng Babilonia at gamitin niya ito laban sa Ehipto, malalaman ng mga taga-Ehipto na ako ang Panginoon.26Ikakalat ko ang mga taga-Ehipto sa lahat ng bansa at malalaman nila na ako ang Panginoon.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3