Ezekiel28

Ang Pahayag Laban sa Hari ng Tiro

1Sinabi sa akin ng Panginoon:2“Anak ng tao, sabihin mo sa pinuno ng Tiro na ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabi:‘Sa iyong pagmamataas ay iyong sinasabina isa kang diyosna nakaupo sa tronosa gitna ng karagatan.Ngunit ang totoo,kahit na ang tingin mo sa iyong sariliay marunong katulad ng isang diyos,tao ka lang at hindi diyos.3Iniisip mong mas marunong ka pakaysa kay Danielat walang lihimna hindi mo nalalaman.4Sa pamamagitan ng iyong karununganat pang-unawa ay yumaman ka,at nakapag-imbakng mga ginto at pilaksa iyong kaban ng kayamanan.5Dahil mahusay ka sa pangangalakal,lalo pang nadagdaganang iyong kayamananat dahil ditoʼy naging mapagmataas ka.
6“ ‘Kaya sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon:Dahil ang tingin mo sa sariliay matalino tulad ng diyos,7ipapalusob kita sa mga dayuhan,sa pinakamalulupit na bansa.Lalabanan ka nila at sisirainang iyong ganda at karunungan.At mawawala ang karangalan mo.8Masaklap ang magiging kamatayan mo,at ihahagis ka nila sa kailalimanng karagatan.9Masasabi mo pa kayang isa kang diyos,sa harap ng mga papatay sa iyo?Para sa kanila,ikaw ay tao lang at hindi diyos.10Kaya mamamatay ka tulad ng pagkamatayng mga taong hindi tuli,sa kamay ng mga dayuhan.Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”
11May sinabi pa ang Panginoon sa akin,12“Anak ng tao, managhoy ka para sa hari ng Tiro. Sabihin mo sa kanya: ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon:Noon, larawan ka ng isang walang kapintasan,puspos ng kaalaman at kagandahan.13Nasa Eden ka pa noon,sa halamanan ng Diyos.Napapalamutian kang ibaʼt ibang mamahaling batogaya ng rubi, topaz, esmeralda,krisolito, onise, haspe, safiro,turkois at beril.Napapalamutian ka rin ng gintona inihanda para sa iyonoong araw ng iyong kapanganakan.14Hinirang kita bilang kerubinna magbabantay sa banalna bundok ng Diyos.Lumalakad ka sa gitnang nagniningning  na mga bato.15Walang maipipintas sa iyong pamumuhaymula pa nang ikaw ay isinilanghanggang sa maisipan monggumawa ng masama.16Ang pag-unlad mo sa pangangalakalang naging dahilan ng iyongpagmamalupit at pagkakasala.Kaya pinalayas kita,tagapagbantay na kerubinsa banal na bundok ng Diyos;pinaalis kita mulasa nagniningning na mga bato.17Naging mayabang kadahil sa iyong kagandahan,at ang karunungan moʼy iyong ginamitsa paggawa ng masamaupang maging sikat ka.Ito ang dahilan kung bakit ibinagsak kitasa lupa sa harapan ng mga hari,upang magsilbing babala sa kanila.18Dahil sa napakarami mong kasalananat pandaraya sa pangangalakal,dinungisan mo ang mga lugarkung saan ka sumasamba.Kaya sa harap ng mga nakatingin sa iyo,sinunog ko iyong ang lugarat ikaʼy nasunog hanggangsa maging abo sa lupa.19At ang lahat ng mga nakakakilala sa iyoay nagulat sa iyong sinapit.Kakila-kilabot ang iyong naging wakas,at lubusan ka nang mawawala.’ ”

Ang Pahayag Laban sa Sidon

20Sinabi sa akin ng Panginoon:21“Anak ng tao, humarap ka sa Sidon at sabihin mo ito laban sa kanya;22sabihin mong: ‘Ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi:Sidon, kalaban kitaat ipapakita ko ang aking kaluwalhatian.Pupurihin ako ng mga tao sa orasna parusahan kita,at malalaman nilana ako ang Panginoon.Sa ganitong paraan malalaman mokung gaano ako kabanal.23Padadalhan kita ng mga salotat dadanak ang dugosa iyong mga lansangan.Kabi-kabila ang sasalakay sa iyo,maraming mamamataysa mga mamamayan mo.At malalaman nilana ako ang Panginoon.
24“ ‘At mawawala na ang mga kalapit-bansa ng Israel na nangungutya sa kanila, na parang mga tinik na sumusugat sa kanilang damdamin. At malalaman nilang ako ang Makapangyarihang Panginoon.
25“ ‘Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: Titipunin ko na ang mga mamamayan ng Israel mula sa mga bansang pinangalatan nila. Sa pamamagitan ng gagawin kong ito, maipapakita ko ang aking kabanalan sa mga bansa. Titira na sila sa sarili nilang lupain, ang lupaing ibinigay ko sa aking lingkod na si Jacob.26Ligtas silang maninirahan doon. Magtatayo sila ng mga bahay at magtatanim ng mga ubas. Wala nang manggugulo sa kanila kapag naparusahan ko na ang lahat ng kalapit nilang bansa na kumukutya sa kanila. At malalaman nila na ako ang Panginoon na kanilang Diyos.’ ”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3