Ezekiel19
Ang Panaghoy para sa mga Pinuno ng Israel
1“Awitin mo ang panaghoy na ito para sa mga pinuno ng Israel.2Sabihin mo:‘Ang iyong ina ay parang isang leonna inaalagaan ang mga anak niyakasama ng iba pang mga leon.3Inalagaan niya ang isa sa mga anak niya,lumaki ito at naging malakas na leon.Natuto itong manghuliat manlapa ng mga tao.4Nang mabalitaan ito ng ibang bansa,hinuli nila itoat dinala sa Ehipto na nakakadena.5“ ‘Nang malaman ng ina ng leonna bigo ang pangarap niyapara sa kanyang anak,pinalaki niya uli ang isa pang anakat naging malakas na leon din ito.6Sumama ito sa iba pang mga leonat natutong manghuli at manlapa ng tao.7Giniba niya ang mga kampong kanyang mga kaawayat winasak ang kanilang mga bayan.Natatakot ang mga mamamayankapag naririnig ang atungal niya.8Kaya nagkaisa ang mga bansaupang labanan at palibutan siya.Inilabas nila ang kanilang mga lambatat siyaʼy nabitag nila sa hukay.9Gamit ang kawit,hinila siya sa loob ng hawla,at dinala sa hari ng Babilonia.Ikinulong nila itoupang hindi na marinigang pag-atungal nitosa kabundukan ng Israel.10“ ‘Ang iyong inaay tulad ng isang ubasna itinanim sa tabi ng tubig.Nagkaroon itong maraming sanga at bungadahil sagana sa tubig.11Matitibay ang sanga nitoat maaaring gawing setro ng hari.Mas tumaas pa ang ubas na itokaysa sa ibang halaman.Kitang-kita ito dahil mataasat maraming sanga.12Ngunit dahil sa galit, binunot itoat itinapon sa lupa.Ang mga bunga nitoʼy natuyodahil sa mainitna hangin mula sa silangan.Natuyo rin ang matatayog na sanga,nalaglag at pagkatapos ay nasunog.13Ngayon, muli itong itinanim sa ilang,sa lugar na tuyo at walang tubig.14Isa sa mga sanga nitoʼy nasunogat kumalat ang apoysa iba pang mga sangaat tinupok ang mga bunga nito.Kaya wala nang natirang sangana maaaring gawing setro ng hari.’Ang panaghoy na itoʼy dapat awitin ngayon.”Biblica, Inc.