Ang Mangangaral7
Karunungan
1Ang malinis na pangalanay mas mabutikaysa sa mamahaling pabango;at ang araw ng kamatayanay mas mabutikaysa sa araw ng kapanganakan.2Mas mabuting pumunta sa namatayankaysa sa isang handaan,dahil ang lahat ay mamamatay.Dapat ay lagi itong isipinng mga buháy pa.3Ang kalungkutan ay mas mabutikaysa sa kaligayahandahil ang kalungkutanay nakakatuwid ng buhay ng tao.4Laging iniisip ng marunongang kamatayan;pero ang hangal, ang laging iniisipay kasiyahan.5Mas mabuting makinigsa pagsaway ng marunongkaysa makinig sa papuri ng hangal.6Ang tawa ng hangalay parang tinik na kapag iginatongay nagsasaltikan ang apoy.Ito ay walang kabuluhan.7Ang marunong kapag nandayaay para na ring hangal.Kung tumatanggap ka ng suhol,sinisira mo ang sarili mong dangal.8Mas mabuti ang pagtataposkaysa sa pagsisimula.Ang pagiging matiisinay mas mabutikaysa sa pagiging mapagmataas.9Huwag maging magagalitindahil ang pagiging magagalitinay ugali ng mga hangal.10Huwag mong sabihin,“Bakit mas mabuti pa noonkaysa ngayon?”Dahil ang tanong na iyanay walang katuturan.11Ang karunungan ay mabutigaya ng isang pamana,pareho itong nakakatulongsa mga namumuhay dito sa mundo.Nagbibigay din ito ng proteksyongaya ng pera.Pero higit pa roon,iniingatan nito ang buhayng nagtataglay nito.13Pag-isipan mo ang ginawa ng Diyos:Sino ang makapagtutuwidng kanyang binaluktot?14Magalak ka kung mabutiang kalagayan mo.Pero kung naghihirap ka,isipin mo ito:Ang Diyos ang gumawasa dalawang bagay na ito.Kaya hindi natin malalaman kung anoang mangyayari sa hinaharap.15Sa buhay kong walang saysay, nakita ko ang mga ito:Ang matuwid ay maagang namamataysa kabila ng kanilang matuwidna pamumuhay,at ang mga masasama sa kabilang kanilang kasamaanay nabubuhay nang matagal.16Huwag mong ituring ang iyong sarilina sobrang matuwid at marunong,dahil kung gagawin mo iyon,sinisira mo lang ang iyong sarili.17At huwag ka rin namang magpakasamao magpakamangmang,dahil baka mamatay ka namannang wala sa oras.18Bigyang-halaga ang mga katuruang ito,sapagkat ang sinumang may takot sa Diyosay susunod sa parehong katuruan.19Higit na malaki ang magagawang karunungan sa isang tao,kaysa sa sampung pinuno ng isang bayan.20Wala ni isang tao rito sa mundoang laging gumagawa ng mabutiat hindi nagkakasala.21Huwag mong pakikingganang lahat ng sinasabi ng taoat baka mismong alipin moang marinig mong nagsasalita laban sa iyo.22Dahil alam mo sa sarili mona marami ka ring pinagsalitaan ng masama.23Sinubukan kong intindihin ang lahat ng nangyayari rito sa mundo sa pamamagitan ng aking karunungan. Sinabi ko sa aking sarili,“Akala koʼy maiintindihan ko,”ngunit ito palaʼy higit sa aking pang-unawa.24Hindi ko kayang intindihin ang mga nangyayaridahil mahirap talagang maintindihan.At walang sinumanang makakaintindi nito.25Pero patuloy akong nag-aral at nag-usisa,para makamit ko ang karununganat masagot ang aking mga katanungan,at para malaman ko kung gaano kahangalang taong gumagawa ng masamaat kung gaano kasama ang isipanng taong gumagawa ng kahangalan.26Napag-alaman kong ang babaeng nanunuksoay mas mapait kaysa sa kamatayan.Ang pag-ibig niyaʼy parang bitag,at ang mga kamay niyangyumayakap sa iyo ay parang kadena.Ang taong nakalulugod sa Diyosay makakatakas sa kanya,ngunit ang taong makasalananay mabibitag niya.27Sinasabi ko bilang isang mangangaral:“Iniisip kong mabuti ang bawat bagaysa paghahanap ko ng kasagutansa aking mga katanungan.Pero hindi ko pa rin natagpuanang mga kasagutan.Ngunit ito ang aking natuklasan,sa isang libong lalaki isa lang ang matuwid, pero sa isang libong babaewala ni isang matuwid.29Higit sa lahat, ito ang nalaman ko:Ginawa ng Diyos ang tao na matuwid,pero nag-iisip ang taong maraming paraan para maging masama.”Biblica, Inc.