Deuteronomio33

Binasbasan ni Moises ang mga Lahi ng Israel

1Ito ang basbas na sinabi ni Moises na lingkod ng Diyos sa mga Israelita bago siya namatay.2Sinabi niya,“Dumating ang Panginoongaling sa Sinai;nagpakita siya galingsa Bundok ng Seirkatulad ng pagsikat ng araw.Sumikat siya sa mga tao galingsa Bundok ng Paran.Dumating siyang kasamaang libo-libong mga anghel,at ang kanyang kanang kamayay may dala-dalangnaglalagablab na apoy. 3Tunay na minamahal ng Panginoonang kanyang mamamayan.Pinoprotektahan niyaang mga taong kanyang pinili.Kaya siyaʼy sinusunod nilaat tinutupad ang kanyang utos.4Ibinigay ni Moisessa ating mga lahi ni Jacobang kautusan bilang mana.5Naging hari ang Panginoonng Israelnang magtipon ang kanilang mga pinunoat ang kanilang mga angkan.”
6Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Ruben,“Sanaʼy hindi mawalaang mga lahi ni Rubenkahit kakaunti lang sila.”
7Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Juda,“O Panginoon, pakinggan po ninyoang paghingi ng tulong ng lahi ni Juda.Muli po ninyo silang isamasa ibang mga lahi ng Israel.Ipagtanggol at tulungan ninyo silalaban sa kanilang mga kaaway.”
8Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Levi,“O Panginoon,ibinigay po ninyo ang Tumim at Urim sa mga tapat ninyong lingkodna lahi ni Levi.Sinubukan ninyo sila sa Masaat sinaway sa tabi ng tubig ng Meriba.9Nagpakita sila ng malaking katapatansa inyokaysa sa kanilang mga magulang,mga kapatid at mga anak.Sinunod po nila ang inyong mga utos,at iningatan ang inyong kasunduan.10Tuturuan nila ang mga Israelitang inyong mga utosat tuntunin kay Jacob,at maghahandog sila ng insensoat mga handog na sinusunogsa inyong altar.11O Panginoon,pagpalain nʼyo po sila,at nawaʼy masiyahan kayosa lahat ng kanilang ginagawa.Ibagsak po ninyo ang kanilang mga kaawaypara hindi na sila makabangon pa.”
12Sinabi ni Moisestungkol sa lahi ni Benjamin,“Ang minamahal ng Panginoonay naninirahan ng ligtassa piling niya.Inilalayo niya sila sa kapahamakanat nananahan sa kanilang kalagitnaan  .”
13Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Jose,“Sanaʼy pagpalain ng Panginoonang kanilang lupainat padalhan sila palagi ng ulanat ng tubig mula sa ilalim ng lupa.14Sa tulong ng araw,mamunga sana nang maayosang kanilang mga pananimat mamunga sa tamang panahon nito.15Sana ang kanilangsinaunang kabundukanat kaburulan ay magkaroon ng mabutiat masaganang mga bunga.16Umani sana nang saganaang kanilang lupadahil sa kabutihan ng Diyosna nagpahayag sa kanilasa naglalagablabna mababang punongkahoy.Manatili sana ang mga pagpapalang itosa lahi ni Josedahil nakakahigit siyasa kanyang mga kapatid.17Ang kanyang lakas ay katulad ng lakasng batang bakang lalaki.Ang kanyang kapangyarihanay katulad ng kapangyarihanng sungay ng mailap na baka.Sa pamamagitan nito,ibabagsak niya ang mga bansakahit na ang mga nasa malayo.Ganito ang aking pagpapalasa maraming mamamayanng Efraim at Manases.”
18Sinabi ni Moises tungkol sa lahi nila Zebulun at Isacar,“Matutuwa ang lahi nina Zebulun at Isacardahil uunlad sila sa kanilang lugar.19Iimbitahan nila ang mga taona pumunta sa kanilang bundokpara maghandogng tamang handog sa Diyos.Magdiriwang sila dahil sa maraming pagpapalana nakuha nila sa dagatat sa baybayin nito.”
20Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Gad,“Purihin ang Diyos na nagpapalawakng teritoryo ng lahi ni Gad!Nabubuhay sila sa lupaing ito katulad ng leonna handang sumunggab ng kamayo ng ulo ng kanyang kaaway.21Pinili niya ang pinakamagandang lupainna nababagay sa mga pinuno.Kapag nagtitipon ang mga tagapamahalang mga mamamayan ng Israel,sinusunod nila ang mga ipinatutupadng Panginoonat ang kanyang mga tuntuninpara sa Israel.”
22Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Dan,“Ang lahi ni Dan ay katuladng mga batang leon na tumatalon-talonmula sa Bashan.”
23Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Neftali,“Ang lahi ni Neftali ay saganasa pagpapala ng Panginoon.Maangkin sana nila ang lupainsa kanluran  at sa timog.”
24Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Asher,“Pagpalain nawa ng Panginoonang lahi ni Ashernang higit pa sa lahat ng lahi ng Israel.Nawa ay maging masaya sa kanilaang kapwa nila mga Israelitaat maging sagana ang kanilang langis.25At sanaʼy maprotektahanng mga tarangkahangbakal at tansoang mga pintuan ng kanilang lungsod,at sanaʼy manatili ang kanilang kadakilaanhabang silaʼy nabubuhay.26Walang katulad ang Diyos ng Israel. Sa kanyang kadakilaan,sumasakay siya sa ulappara matulungan kayo.Sa kanyang kadakilaan dumarating siyamula sa langit.27Ang walang hanggang Diyosang inyong kanlungan;palalakasin niya kayosa pamamagitan ng walang hangganniyang kapangyarihan.Palalayasin niyaang inyong mga kaawaysa inyong harapan,at iuutos niya sa inyo,‘Lipulin ninyo sila.’28Kaya mamumuhay ang Israelna malayo sa kapahamakan,sapagkat payapa ang lahi ni Jacobsa lupaing sagana sa trigoat bagong alak,at kung saan ang hamog na mula sa langitay nagbibigay ng tubig sa lupa.29Pinagpala kayo,mga mamamayan ng Israel!Wala kayong katulad,isang bansang iniligtas ng Panginoon.Ang Panginoon ang pananggalangat tulong ninyo,at siya ang makikipaglabanpara sa inyo.Gagapang ang inyong mga kaawaypapunta sa inyo,at tatapakan ninyo sila sa likod.” 

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3