2 Samuel22

Papuring Awit ni David

1Umawit si David sa Panginoon nang iligtas siya ng Panginoon sa kamay ng kanyang mga kalaban at kay Saul.2Ito ang awit niya:“Ang Panginoon ang aking matibayna batong kanlunganat pananggalang.Siya ang aking Tagapagligtasna nag-iingat sa akin.3Siya ang aking batong kanlungan,ang aking kublihan.Inililigtas niya akosa mararahas na tao.
4“Karapat-dapat kayong purihin Panginoon,dahil kapag tumatawag ako sa inyo,inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.5Tulad ng mga alon,ang kamatayan ay nakapalibot sa akin.Ang mga pinsalaʼy tuladng malakas na agos na tumatangay sa akin.6Ang kamatayaʼy parang lubidna nakapulupot sa akinat parang bitag sa aking daraanan.
7“Sa aking kahirapan,humingi ako ng tulong sa inyo,Panginoon na aking Diyos,at pinakinggan nʼyoang panalangin ko roon sa inyong templo.8Lumindol,at ang pundasyonng kalangitan ay nayanig,dahil kayo, Panginoon,ay nagalit.9Umusok din ang inyong ilong,at ang inyong bibig ay bumugang apoy at mga nagliliyab na baga.10Binuksan nʼyo ang langitat kayoʼy bumaba,at tumuntong sa maitimat makapal na ulap.11Kayoʼy sumakay sa isang kerubin,at mabilis na lumipad na dala ng hangin.12Pinalibutan mo ang iyong sarili ng kadiliman,ng madilim at makapal na ulap.13Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan,at mula rooʼy bumagsak ang mga yeloat nagliliyab na baga.14Ang tinig nʼyo,Kataas-taasang Diyosna aming Panginoon,ay dumadagundong mula sa langit.15Pinana nʼyo ng kidlatang inyong mga kalabanat nataranta silang nagsitakas.16Sa inyong tinig at matinding galit,natuyo ang dagatat nakita ang lupa sa ilalim nito,pati na rin ang pundasyonng mundo ay nalantad.
17“At mula sa langit akoʼy inabot nʼyoat inahon mula sa malalim na tubig.18Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihanng aking mga kalabanna hindi ko kayang labanan.19Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan.Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.20Dinala nʼyo akosa lugar na walang kapahamakandahil nalulugod kayo sa akin.
21“Pinagpala nʼyo akodahil akoʼy namumuhay sa katuwiran.Sa kalinisan ng aking kamayakoʼy inyong ginantimpalaan.22Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban,at hindi ko kayo tinalikuran,Panginoon na aking Diyos.23Tinutupad ko ang lahatng inyong utos.Ang inyong mga tuntuninay hindi ko sinusuway.24Alam nʼyong namumuhay akonang walang kapintasan,at iniiwasan ko ang kasamaan.25Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan,dahil nakita nʼyongwala akong ginagawang kasalanan.
26“Tapat kayo sa mga tapat sa inyo,at mabuti kayo sa mabubuting tao.27Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo,ngunit mas tuso kayosa mga taong masama.28Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba,ngunit ibinababa nʼyoang mga mapagmataas.29Panginoon, kayo ang aking liwanagSa kadiliman kayo ang aking ilaw.30Sa tulong nʼyo, o Diyos,kaya kong salakayinang grupo ng mga sundalo,at kaya kong akyatin ang paderng kanilang tanggulan.
31“Ang pamamaraan nʼyo,O Diyos, ay walang kamalian.Ang inyong mga salita Panginoonay maaasahan.Kayoʼy katulad ng isang kalasagsa mga kumakanlong sa inyo.32Kayo lang, Panginoon,ang tunay na Diyos, at wala nang iba.At kayo lang talagaang aming Batong kanlungan.33Kayo, O Diyos,ang nagbibigay sa akin ng kalakasan, at nagbabantay sa aking daraanan.34Pinatatatag nʼyo ang aking paa tuladng paa ng usa,upang maging ligtas ang pag-akyat kosa matataas na lugar.35Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban,at ang aking brasoʼy nakakabanat ng panang tanso.36Ang katulad nʼyo ay kalasagna nag-iingat sa akin,at sa pamamagitan ng inyong tulongay naging kilala ako.37Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan,kaya hindi ako natitisod.38Hinabol ko ang aking mga kalabanat inabutan ko sila,at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.39Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak,at hindi na makabangon sa aking paanan.40Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban,kaya natalo ko ang aking mga kalaban.41Dahil sa inyo,umatras ang aking mga kaawayna may galit sa akin,at silaʼy pinatay ko.42Humingi sila ng tulong,ngunit walang sinumang tumulong.Tumawag din sila sa inyo Panginoon,ngunit kayoʼy hindi tumugon.43Dinurog ko silahanggang sa naging parang alikabok na lamangna inililipad ng hangin,at tinatapak-tapakanna parang putik sa kalsada.44Iniligtas nʼyo ako Panginoonsa mga rebelde kong mamamayan.Ginawa nʼyo akong pinuno ng mga bansa.Ang mga taga-ibang lugaray sumusunod sa akin.45Yumuyukod sila sa akin nang may takotat sinusunod ang aking mga utos.46Nawawalan sila ng lakas ng loob,kaya lumalabas silasa kanilang pinagtataguanna nanginginig sa takot.47Buháy kayo, Panginoon!Karapat-dapat kayong purihin at dakilain,O Diyos na aking Batong kanlunganat Tagapagligtas!48Pinaghigantihan nʼyo ang aking mga kaaway,at ipinasailalim mo ang mga bansasa aking kapangyarihan.49Inilalayo nʼyo ako sa mararahas kong kalaban,at pinagtagumpay nʼyo ako sa kanila.50Kaya pararangalan ko kayosa mga bansa, O Panginoon.Aawitan ko kayo ng mga papuri.51Sa hinirang nʼyong hariay nagbigay kayo ng maraming tagumpay.Ipinapadama ninyo ang inyong wagas na pag-ibigsa inyong hinirang na si Davidat sa lahat ng kanyang lahi,magpakailanman.”

Biblica, Inc.

https://app.library.bible/content/797c5bee4849d8b3